Pauwi Na Sa Langit
Ang Kamay Ng Diyos Sa Kasaysayan, Enero 19
Siya'y nag-aalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari. Daniel 2:21. PnL
Ang Biblia ang pinakasinauna at pinakamalawak na kasaysayang nasa atin. Ito’y dumating na sariwa mula sa bukal ng walang hanggang katotohanan, at sa mga nagdaang panahon, isang banal na kamay ang nag-ingat sa kadalisayan nito. Iniilawan nito ang malayong nagdaang panahon, kung saan sinikap na pasukin ng walang saysay na pananaliksik ng tao. Sa salita lang ng Diyos natin napagmamasdan ang kapangyarihang naglagay ng mga pundasyon ng lupa at naglatag sa mga kalangitan. Dito lang natin matutuklasan ang isang tunay na tala ng pinagmulan ng mga bansa. Dito lang naibigay ang isang kasaysayan ng ating lahi na walang dungis ng kapalaluan o maling palagay ng tao. PnL
Sa mga ulat ng kasaysayan ng tao, ang paglago ng mga bansa, ang pagbangon at pagbagsak ng mga imperyo, ay lumilitaw na nakadepende sa kalooban at lakas ng tao. Tila ang paghubog ng mga kaganapan, sa isang malaking bahagi, ay magiging tiyak sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, ambisyon, o kapritso. Ngunit sa salita ng Diyos nahawi ang tabing, at nakita natin, sa likod, sa itaas, at sa pamamagitan paggawa at pagkontra ng interes at kapangyarihan at pagkahilig ng tao, tahimik at matiyagang isinasagawa ng mga ahensya ng Isang mahabagin sa lahat ang mga payo ng Kanyang sariling kalooban. PnL
Ipinapahahayag ng Biblia ang tunay na pilosopiya ng kasaysayan. Sa mga salitang iyon na may di-mapapantayang kagandahan at kaamuan na sinalita ni Pablo sa matatalinong tao ng Atena ay inihayag ang layunin ng Diyos sa paglikha at pagpapakalat ng mga lahi at mga bansa. Kanyang “nilikha mula sa isa ang bawat bansa ng mga tao upang manirahan sa ibabaw ng buong lupa. Itinakda Niya ang mga panahon at mga hangganan ng kanilang titirahan; upang kanilang hanapin ang Diyos, baka sakaling mahagilap nila, at Siya’y matagpuan.” (Gawa 17:26, 27.) Ipinahayag ng Diyos na ang sinuman ang may nais ay lumapit “sa pakikipagkasundo sa tipan.” (Ezekiel 20:37.) Sa panahong ng Paglalang, nilayon Niyang ang lupa ay panirahan ng mga nilikha na ang kanilang pag-iral ay dapat maging pagpapala sa kanilang mga sarili at sa bawat isa sa kanila, at isang karangalan sa kanilang Manlilikha. Lahat nang may nais ay puwedeng isama ang kanilang mga sarili sa ganitong layunin. Sa kanila’y sinabi, “ang Aking bayan na inanyuan ko para sa aking sarili, upang kanilang ipahayag ang Aking kapurihan” (Isaias 43:21.) PnL
Inihayag ng Diyos sa Kanyang kautusan ang mga prinsipyong napapalooban ng lahat ng tunay na pag-unlad, para sa parehong mga bansa at mga tao. “Ito ang magiging karunungan at kaalaman ninyo,” pahayag ni Moises sa mga Israelita tungkol sa kautusan ng Diyos. “Ito’y hindi isang hamak na bagay sa inyo, sapagkat ito’y inyong buhay” (Deuteronomio 4:6; 32:47.) Ang mga pagpapalang tiniyak sa mga Israelita, sa kaparehong mga kondisyon at sa kaparehong antas, ay tiniyak sa bawat bansa at bawat indibidwal.— Education, pp. 173, 174. PnL