Pauwi Na Sa Langit
Ang Misyon Ng Iglesya, Agosto 8
Sapagkat ang Anak ng Tao ay dumating upang hanapin at iligtas ang nawala. Lucas 19:10. PnL
Ang misyon ng iglesya ni Cristo ay ang iligtas ang mga napapahamak na mga makasalanan. Ito’y upang ipaalam ang pag-ibig ng Diyos sa mga kalalakihan at kababaihan at upang maipanalo sila kay Cristo sa pamamagitan ng bisa ng pag-ibig na iyon. Ang katotohanan sa panahong ito’y dapat dalhin sa madilim na sulok ng mundo, at ang gawaing ito’y maaaring magsimula sa tahanan. Ang mga tagasunod ni Cristo ay hindi dapat mamuhay ng makasariling pamumuhay; bagkus, puspos ng Espiritu ni Cristo, dapat silang gumawa nang naaayon sa Kanya. PnL
May mga kadahilanan sa kasalukuyang lamig at kawalan ng paniniwala. Ang pagibig sa mundo at ang mga alalahanin sa buhay ay naghihiwalay ng kaluluwa sa Diyos. Ang tubig ng buhay ay dapat na nasa atin, at umaagos mula sa atin, na bumubukal tungo sa buhay na walang hanggan. Dapat nating isagawa kung ano ang ginagawa ng Diyos. Kung masisiyahan ang mga Cristiano sa ilaw ng buhay, dapat nilang dagdagan ang kanilang mga pagsisikap na madala ang iba sa kaalaman ng katotohanan. Ang kanilang buhay ay dapat mailarawan sa pamamagitan ng pagsusumikap at sakripisyo upang gumawa nang mabuti sa iba; at pagkatapos ay walang magiging reklamo sa kawalan ng kasiyahan. PnL
Ang mga anghel ay laging nakikipagtulungan para sa kaligayahan ng iba. Ito ang kanilang kagalakan. Ang tinutukoy ng mga makasariling puso na nakakahiyang paglilingkod, na naglilingkod sa mga taong kaawa-awa at sa lahat ng paraan ay mas mababa sa likas at ranggo, ay ang gawain ng dalisay, walang kasalanan na mga anghel sa maharlikang bulwagan ng langit. Ang espiritu ng sakripisyo ng pag-ibig ni Cristo ay ang espiritung sumasaklaw sa langit at ang mismong diwa ng kaligayahan nito. PnL
Ang mga hindi nakakaramdam ng natatanging kasiyahan sa pagnanais na maging pagpapala sa iba, sa pagtatrabaho, kahit na sa sakripisyo, upang gumawa nang mabuti sa kanila, ay hindi magkakaroon ng espiritu ni Cristo o ng langit; sapagkat wala silang pagkakaisa sa gawain ng mga anghel ng langit at hindi kayang makilahok sa kaligayahan na nagbibigay ng mataas na kagalakan sa kanila. . . . Kung makita ng kagalakan ng mga anghel ang mga makasalanang nagsisisi, hindi ba ito magiging kagalakan ng mga makasalanan, na naligtas ng dugo ni Cristo, na makita ang ibang nagsisisi at bumabaling kay Cristo sa pamamagitan ng kanilang pagiging kasangkapan? Sa paggawang may pagkakaisang kasama ni Cristo at ng mga banal na anghel, makararanas tayo ng isang kagalakang hindi mangyayari maliban na mula sa gawaing ito. PnL
Ang prinsipyo ng krus ni Cristo ay nagdadala sa lahat ng naniniwala sa ilalim ng mabigat na tungkulin na tanggihan ang sarili, na magbigay ng liwanag sa iba, at magbigay ng kanilang mga kaparaanan upang mapalawak ang liwanag. Kung sila’y may kaugnayan sa langit sila’y makikibahagi sa gawain na nakikiisa sa mga anghel.— Testimonies For The Church , vol. 3, pp. 381, 382. PnL