Pauwi Na Sa Langit

216/364

Gumagawang Magkakasama, Agosto 5

Pumili kayo sa inyo ng pitong lalaking may mabuting pagkatao, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na aming maitatalaga sa tungkuling ito. Gawa 6:3. PnL

Sa pagdami ng mga alagad, ang kaaway naman ay nagtagumpay sa pagbabangon ng hinala sa mga taong may nakaraang ugali na laging naghahanap na may inggit sa kanilang mga kapatiran sa pananampalataya at naghahanap ng mali sa kanilang mga lider sa espirituwal; at “bumangon ang bulung-bulungan ng mga Greciano laban sa mga Hebreo” Ang dahilan ng reklamo di-umano ay ang pagpapahayag ng mga babaing balong Griyego na napababayaan sa pagbabahagi ng tulong sa bawat araw. . . . PnL

Dumating ang mga alagad ni Cristo sa isang krisis sa kanilang karanasan. Sa matalinong pangunguna ng mga apostol, na gumawang nagkakaisa sa impluwensya ng Banal na Espiritu, ang gawaing ipinagkatiwala sa mga mensahero ng ebanghelyo ay mabilis na lumalaganap. Ang iglesya ay patuloy na lumalago, at ang pagdami ng mga kaanib ay nagdagdag naman ng mabigat na pasanin sa mga nangangasiwa. Walang iisang tao, o grupo na maaaring magpatuloy na magpasang nag-iisa ng pasaning ito, na hindi malalagay sa panganib ang kasaganaan sa hinaharap ng iglesya. . . . Sa isang pagtitipon ng mga mananampalataya, ang mga apostol ay inakay ng Banal na Espiritu na ibalangkas ang isang plano sa lalong mainam na organisasyon ng lahat ng puwersang gumagawa sa iglesya. . . . PnL

Ang paghirang ng pito upang mangasiwa sa mga natatanging linya ng gawain, ay naging pagpapala sa iglesya. . . . PnL

Ang paghahayag ng ebanghelyo ay magiging pansalibutan, at ang mga mensahero ng krus ay hindi makaaasang magtatagumpay sa mahalagang misyong ito malibang sila’y nagkakaisa sa tali ng pagiging Cristiano, at sa ganito ay ihayag sa mundo na sila’y kaisa ni Cristo sa Diyos. Hindi ba’t ang banal na Pinuno ay nanalangin sa Ama, “Ingatan Mo sila sa Iyong pangalan, yaong mga ibinigay Mo sa Akin, upang sila’y maging isa, na gaya naman Natin”? . . . PnL

Sa pakikipagkaisa lang kay Cristo, makaaasa ang mga alagad na tumanggap ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, at ng pakikipagtulungan ng mga anghel ng langit. Sa tulong ng mga banal na ahensyang ito ihaharap nila sa mundo ang nagkakaisang paggawa at magiging matagumpay laban sa mga kapangyarihan ng kadiliman.— The Acts Of Apostles, pp. 88-91. PnL