Pauwi Na Sa Langit

215/364

Isang Daluyan Ng Liwanag, Agosto 4

Tumindig ka at pumasok sa lunsod, at sasabihin sa iyo ang dapat mong gawin. Gawa 9:6. PnL

Hindi agad matanggap ni Ananias ang mga salita ng anghel; sapagkat ang mga tala ng malupit na pag-uusig ni Saulo sa mga banal sa Jerusalem ay lumaganap na sa malalayong lugar. Nagsapantaha siyang tumutol: “Panginoon, marami akong narinig tungkol sa taong ito, kung gaanong sama ang ginawa niya sa mga banal sa Jerusalem: at narito siya taglay ang awtoridad mula sa mga punong saserdote upang usigin ang lahat na tumatawag sa Iyong pangalan.” Ngunit ang utos ay madiin: “Humayo ka sa iyong lakad sapagkat siya ay sisidlang hirang sa Akin, upang taglayin ang Aking pangalan sa mga Gentil, at sa mga hari, at sa mga anak ng Israel.” PnL

Masunurin sa atas ng anghel, hinanap ni Ananias ang lalaking hindi pa nagtatagal ay nagbanta sa lahat ng nananampalataya sa pangalan ni Jesus; at sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ulo ng nagsisising nagdurusa, sinabi niya, “Kapatid na Saulo, ang Panginoong Jesus, na nagpakita sa daang iyong pinanggalingan, ang nagsugo sa akin, upang matanggap mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Banal na Espiritu.” . . . PnL

Sa ganito ay pinagtibay ni Jesus ang kapangyarihan ng Kanyang itinatag na iglesya, at inihanay si Saulo sa Kanyang mga itinakdang ahensya sa lupa. Ngayon ay may iglesya na si Cristo bilang Kanyang kinatawan sa lupa, at dito ay natalaga ang gawain ng pagtuturo ng daan ng buhay sa nagsisising makasalanan. PnL

Marami ang may isipang sila’y nananagot lang kay Cristo sa liwanag at karanasan, at hiwalay sa Kanyang kinikilalang mga tagasunod sa lupa. Si Jesus ay kaibigan ng makasalanan, at ang Kanyang puso ay nakikilos ng kanilang kaabahan. Taglay Niya ang lahat ng kapangyarihan, sa langit at sa lupa; ngunit iginagalang Niya ang paraang itinalaga Niya para sa kaliwanagan at kaligtasan ng tao. Itinuturo Niya ang makasalanan sa iglesya na ginawa Niyang daluyan ng liwanag sa sanlibutan. PnL

Nang, sa gitna ng kanyang bulag na kamalian at maling akala, si Saulo ay nabigyan ng pagpapahayag ni Cristo na kanyang pinag-uusig, siya’y tuwirang iniugnay sa iglesya, na siyang liwanag sa sanlibutan. Sa pagkakataong ito kinakatawanan ni Ananias si Cristo, at kinakatawanan din ang mga ministro ni Cristo sa lupa, na hinirang upang gumawa para sa Kanya. Para kay Cristo ay hinipo ni Ananias ang mga mata ni Saulo, upang maibalik ang paningin. Para kay Cristo ipinatong niya ang mga kamay sa kanya, at habang nananalangin sa pangalan ni Cristo, tinanggap ni Saulo ang Banal na Espiritu. Lahat ay nagampanan sa pangalan at kapangyarihan ni Cristo. Si Cristo ang bukal; ang iglesya ang daluyan ng komunikasyon.— The Acts Of Apostles , pp. 121, 122. PnL