Pauwi Na Sa Langit
Pagkakaisa Ng Pananampalataya, Agosto 3
Narito ang panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sa mga tumutupad sa mga utos ng Diyos, at humahawak ng matatag sa pananampalataya ni Jesus. Apocalipsis 14:12. PnL
Pinangungunahan ng Diyos ang isang bayan palabas sa mundo tungo sa mataas na simulain ng walang hanggang katotohanan, mga utos ng Diyos at pananampalataya ni Jesus. Kanyang didisiplinahin at huhubugin ang Kanyang bayan. Hindi sila magkakaibaiba, ang isa ay naniniwala sa isang bagay, at ang isa pa ay may pananalig at pananaw na ganap na kabaligtaran, ang bawat isa ay gumagalaw nang malaya sa katawan. Sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba ng mga kaloob at pamamahala na inilagay Niya sa iglesya, lahat sila’y hahantong sa pagkakaisa ng pananampalataya. Kung ang isang tao ay tumitingin sa kanyang pananaw sa katotohanan ng Biblia nang walang pagsasaalang-alang sa mga opinyon ng kanyang mga kapatid, at pinangangatwiranan ang kanyang lakad, na sinasabing may karapatan siya sa kanyang sariling mga kakaibang pananaw, at pagkatapos ay pinipilit ang iba, paano niya matutupad ang panalangin ni Cristo? At kung ang isa pa at iba pa ay lumitaw, bawat isa ay iginigiit ang kanyang karapatang paniwalaan at pag-usapan kung ano ang nais niya nang walang pagsangguni sa pananampalataya ng katawan, saan magkakaroon ng pagkakaisang nagaganap sa pagitan ni Cristo at ng Kanyang Ama, at ang ipinanalangin ni Cristo na maaaring umiral sa Kanyang mga kapatid? PnL
Pinamumunuan ng Diyos ang isang bayan at itinatatag ang mga ito sa isang malaking simulain ng pananampalataya, ang mga utos ng Diyos at ang patotoo ni Jesus. Binigyan Niya ang Kanyang bayan ng isang matuwid na kawing ng katotohanan ng Biblia, malinaw at nakaugnay. Ang katotohanang ito’y nagmula sa langit at hinanap na parang nakatagong kayamanan. Ito’y hinukay sa pamamagitan ng maingat na pagsasaliksik sa Kasulatan at sa pamamagitan ng maraming panalangin. . . . PnL
Ang puso ng Diyos ay hindi kailanman nasabik sa Kanyang mga anak sa lupa na may mas malalim na pag-ibig at mas mahabaging paggiliw kaysa ngayon. Hindi kailanman nagkaroon ng pagkakataon na ang Diyos ay handa at naghihintay na gumawa ng higit pa para sa Kanyang bayan kaysa ngayon. At tuturuan Niya at ililigtas ang lahat na pumili upang maligtas sa Kanyang itinalagang paraan. Ang mga espirituwal ay makakikilala ng mga espirituwal na bagay at makakikita ng mga tanda ng presensya at gawain ng Diyos sa lahat ng dako. Si Satanas, sa pamamagitan ng kanyang husay at masamang estratehiya, ay nanguna sa ating mga unang magulang mula sa Hardin ng Eden—mula sa kanilang pagkainosente at kadalisayan sa kasalanan at di-mailarawang kaawaan. Hindi siya tumigil na manira; ang lahat ng mga puwersang maaari niyang utusan ay masigasig na gumagawa sa kanya sa mga huling araw na ito upang saklawin ang pagkawasak ng mga kaluluwa. . . . PnL
Ngunit upang maligtas, dapat mong tanggapin ang pamatok ni Cristo at tanggalin ang pamatok na iyong inihugis sa iyong leeg. Ang tagumpay na nakamit ni Jesus sa ilang ay isang pangako sa iyo ng tagumpay na maaari mong makamit sa pamamagitan ng Kanyang pangalan. Ang tanging mong pag-asa at kaligtasan ay ang pagtatagumpay gaya ng pagtatagumpay ni Cristo.— Testimonies For The Church, vol. 3, pp. 446, 447, 455-457. PnL