Pauwi Na Sa Langit

212/364

Agosto—Isang Nagkakaisang Iglesya

Hinirang Ng Diyos, Agosto 1

Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyong mga asawa, gaya ni Cristo na nagmahal sa iglesya, at ibinigay ang kanyang sarili alang-alang sa kanya. Efeso 5:25. PnL

Ang Diyos ay may isang iglesya sa lupa na Kanyang piniling bayan, na tumutupad sa Kanyang mga utos. Siya ang nangunguna, hindi sa mga palaboy na mga anak, hindi isa dito at isa doon, ngunit sa isang bayan. Ang katotohanan ay isang nagpapabanal na kapangyarihan; ngunit ang iglesyang militante ay hindi iglesyang nagtatagumpay. May mga panirang damo sa gitna ng trigo. “Ibig mo bang kami’y . . . tipunin ang mga iyon?” ang tanong ng alipin; ngunit sumagot ang Panginoon, “Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga damo ay inyong mabunot pati ang trigo.” Hindi lang mabubuting isda ang nakukuha ng lambat ng ebanghelyo, kundi ng masasama rin, at tanging Panginoon lang ang nakaaalam kung sino ang Kanya. PnL

Tungkulin ng bawat isa na lumakad nang mapagpakumbaba sa Diyos. Hindi dapat natin hanapin ang anumang kakaiba at bagong mensahe. Hindi natin dapat isipin na ang mga pinili ng Diyos na nagsisikap na lumakad sa ilaw ay bumubuo sa Babilonya. PnL

Bagaman mayroong mga kasamaan sa iglesya, at magkakaroon hanggang sa katapusan ng sanlibutan, ang iglesya sa mga huling araw na ito ay magiging ilaw ng sanlibutan na narumihan at pinasama ng kasalanan. Ang iglesya, mahina at nagkukulang, na kinakailangang sawayin, balaan, at payuhan, ang tanging bagay sa sanlibutan kung saan ipinagkaloob ni Cristo ang Kanyang kataas-taasang pagtangi. Ang sanlibutan ay isang pagawaan kung saan, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga ahensya ng tao at makalangit, gumagawa si Jesus ng mga pagsusubok sa pamamagitan ng Kanyang biyaya at banal na awa sa mga puso ng tao. PnL

May natatanging mga tao ang Diyos, isang iglesya sa mundo, pangalawa sa wala, ngunit higit sa lahat sa kanilang mga kakayahan na ituro ng katotohanan, upang maitaguyod ang kautusan ng Diyos. Ang Diyos ay may hinirang na mga ahensya— mga taong pinamumunuan Niya, na nagdaan ng hirap at pasanin sa araw, na nakikipagtulungan sa mga makalangit na kasapi upang isulong ang kaharian ni Cristo sa ating mundo. Hayaan ang lahat na makiisa sa mga napiling kinatawan na ito, at masumpungan sila sa wakas na kasama sa mga may pagtitiis ng mga banal, na tumutupad sa mga utos ng Diyos, at may pananampalataya ni Jesus. PnL

Ang iglesya ng Diyos sa ibaba ay kaisa sa iglesya ng Diyos sa itaas. Ang mga mananampalataya sa lupa at ang mga nilalang sa langit na hindi bumagsak ang bumubuo ng isang iglesya.— Counsels For The Church, p. 240. PnL