Pauwi Na Sa Langit

211/364

Ang Panganib Ng Pagtitiwala Sa Sarili, Hulyo 31

Tunay na nadama namin na tinanggap na namin ang hatol na kamatayan, upang kami ay huwag magtiwala sa aming sarili, kundi sa Diyos na bumubuhay sa mga patay. 2 Corinto 1:9. PnL

Ang isipan ay dapat maisentro sa Diyos. Dapat tayong maglaan ng masidhing pagsisikap para pagtagumpayan ang masamang hilig ng natural na puso. Ang ating pagsisikap, ang ating pagtanggi sa sarili at pagtitiyaga, ay dapat kasing-halaga ng malaking bagay na ating pinagsisikapan. Tanging sa pagtatagumpay kung paanong si Cristo ay nagtagumpay natin makakamit ang korona ng buhay. PnL

Ang ating malaking panganib ay ang madaya ng sarili, bumibigay sa kasapatan sa sarili, at sa gayo’y humihiwalay sa Diyos, na pinagmumulan ng ating lakas. Ang ating natural na hilig, malibang maitama ng Banal na Espiritu ng Diyos, ay mayroon sa loob nito ng binhi ng kamatayang moral. Malibang tayo’y may mahalagang ugnayan sa Diyos, hindi natin malalabanan ang makasalanang epekto ng pagpapakalayaw sa sarili, pag-ibig sa sarili, at tukso sa pagkakasala. PnL

Para makatanggap ng tulong mula kay Cristo, dapat nating maunawaan ang ating pangangailangan. Dapat tayong magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa ating sarili. Tanging iyon lamang nakauunawang sila’y makasalanan ang maililigtas ni Cristo. Tanging sa pagkakita natin sa ating lubos na kawalang-kaya at pagtalikod sa lahat ng pagtitiwala sa sarili, tayo makahahawak sa kapangyarihan ng Diyos. PnL

Hindi lamang sa pasimula ng buhay Cristiano dapat gawin ang pagtalikod sa sarili. Sa bawat hakbang tungo sa langit dapat itong ulitin. Lahat ng mabubuting gawa ay nakadepende sa kapangyarihan sa labas natin. Kung kaya may pangangailangan sa patuloy na paglalapit ng ating puso sa Diyos, isang palagian, at masikap na pagpapahayag ng kasalanan at pagpapakumbaba ng kaluluwa sa Kanyang harapan. Ang panganib ay nakapalibot sa atin; at tayo’y ligtas lang kung ating nadarama ang ating kahinaan at kakapit sa pamamagitan ng paghawak ng pananampalataya sa ating Makapangyarihang Tagapagligtas. PnL

Dapat tayong lumayo sa libu-libong usaping nag-iimbita ng atensyon. May mga bagay na umuubos ng oras at bumubuhay ng mga pag-uusisa, ngunit nagtatapos sa wala. Ang pinakamataas na kapakinabangan ay humihingi ng malapit na pansin at lakas na madalas na ibinibigay sa mga bagay na kung ikukumpara ay walang halaga. . . . PnL

Ang pagkakilala sa Diyos at kay Jesu-Cristo na inihahayag sa karakter ay nagtataas higit sa anumang bagay na tinitingnan sa lupa o sa langit. Ito ang pinakamataas na edukasyon. Ito ang susing nagbubukas ng mismong pintuan ng banal na siyudad. Ito ang karunungang layon ng Diyos na magkaroon ang lahat ng tumanggap kay Cristo.— The Ministry Of Healing, pp. 455457. PnL