Pauwi Na Sa Langit
Mga Delikadong Teorya, Hulyo 29
Sapagkat Ikaw, Panginoon, ay mabuti at mapagpatawad, sagana sa tapat na pagibig sa lahat ng sa iyo ay tumatawag. Awit 86:5. PnL
Ngayon ay dumarating sa loob ng institusyong pang-edukasyon at sa mga iglesya sa lahat ng dako ang mga aral ng espirituwalismo na nagpapahina ng pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang salita. Ang teorya na ang Diyos ay isang esensyang lumalaganap sa buong kalikasan ay tinatanggap ng karamihan na nag-aangking nananampalataya sa Kasulatan, ngunit, ito man ay damitan nang maganda, ang teoryang ito’y pinakadelikadong pandaraya. Ito’y maling pagpapakilala sa Diyos at kawalang galang sa Kanyang kadakilaan at kamahalan. At ito’y mag-uuwi hindi sa pagkaligaw, sa halip ay magpapababa sa mga lalaki at babae. Ang kadiliman ang elemento nito, at sensuwalidad ang kapaligiran nito. Ang resulta ng pagtanggap dito’y pagkahiwalay sa Diyos. At sa nahulog na likas ng tao, ito’y nangangahulugan ng pagkawasak. PnL
Ang ating kondisyon dahil sa pagkakasala ay di-natural, at ang kapangyarihang magpapanauli sa atin ay higit sa karaniwan, kung hindi ay wala itong halaga. May tanging isa lang na kapangyarihan ang makapag-aalis sa paghawak ng kasamaan mula sa mga puso ng tao, at iyon ay ang kapangyarihan ng Diyos kay Jesu-Cristo. Tanging sa pamamagitan ng Isang Napako mayroong paglilinis mula sa kasalanan. Tanging ang Kanyang biyaya ang makapagbibigay sa atin ng kakayahang tanggihan at pasukuin ang gawi ng ating bumagsak na likas. Ang mga teorya ng espirituwalismo tungkol sa Diyos ay nagpapawalang epekto sa biyaya ng Diyos. Kung ang Diyos ay isang esensyang lumalaganap sa buong kalikasan, kung gayon Siya’y nananahan sa lahat; at para maabot ang kabanalan, kailangan lang nating paunlarin ang kapangyarihan sa loob natin. PnL
Ang mga teoryang ito, kung susundan ang kanilang lohikal na konklusyon, ay nag-aalis sa kabuuang ekonomiya ng Cristiano. Nag-aalis ito ng pangangailangan para sa pagtubos at ginagawa tayong tagapagligtas ng ating sarili. Ang teoryang ito na may kinalaman sa Diyos ay nagpapawalang epekto sa Kanyang salita at silang tumatanggap nito’y nalalagay sa malaking panganib na sa kahulihan ay madala sa pagtingin sa kabuuan ng Biblia bilang isang kathang-isip. Maaari nilang ituring ang kabutihan na higit na mahalaga kaysa bisyo; ngunit matapos na alisin ang Diyos sa Kanyang karapatang posisyon ng kapangyarihan, kanilang inilalagay ang kanilang pagdepende sa kapangyarihan ng tao, kung saan, kapag wala ang Diyos, ay walang halaga. Ang kalooban ng tao na walang tulong ay walang totoong kapangyarihan para tanggihan at magtagumpay sa masama. Ang mga depensa ng kaluluwa ay naibagsak. Ang sangkatauhan ay wala nang hadlang laban sa pagkakasala. Kapag minsang tinanggihan ang pagpigil ng salita ng Diyos at ng Kanyang espiritu, hindi natin alam kung gaano kalalim ang maaaring kalulubugan ng isa. . . PnL
Ang pagpapahayag tungkol sa Kanyang sarili na ibinigay sa pamamagitan ng Kanyang salita ay para sa atin upang pag-aralan. Ito’y maaari nating sikaping maunawaan. Ngunit higit dito’y hindi natin maabot.— The Ministry Of Healing, pp. 428, 429. PnL