Pauwi Na Sa Langit

208/364

Nakasasakit Sa Iba, Hulyo 28

Hindi kami naglalagay ng katitisuran ng sinuman. 2 Corinto 6:3. PnL

Ang tabako ay mabagal, lihim na mapanira, ngunit pinakanakamamatay na lason. Sa anumang paraan ito gamitin, sinasabi nito sa pagkakabuo, ito ang pinakamapanganib sa lahat dahil ang epekto nito’y mabagal at sa una ay mahirap mapansin. Pinasisigla nito at pagkatapos ay ginagawang paralisado ang mga nerbiyos. Ito’y nagpapahina at nagpapalabo ng utak. Madalas na naaapektuhan nito ang nerbiyos sa mas makapangyarihang paraan na higit pa sa nakalalasing na inumin. Ito’y higit na madaya, at ang mga epekto nito’y mahirap na tanggalin mula sa sistema. Ang paggamit nito’y bumubuhay sa pagkauhaw sa matapang na inumin at sa maraming mga pagkakataon ay naglalagay ng pundasyon sa kaugalian ng pag-inom ng alak. PnL

Ang paggamit ng tabako ay nakaaabala, magastos, makalat, at nagpaparumi sa gumagamit, at nakasasakit sa iba. Ang mga deboto nito’y makikita kahit saan. Minsang ikaw ay lalagpas sa karamihan ng mga tao at ang ilang maninigarilyo ay magbubuga sa iyong mukha ng kanyang nalasong hininga. Di-kanais-nais at di-mabuti sa kalusugan na manatili sa sasakyang tren o sa isang silid kung saan kargado ang kapaligiran ng singaw ng alak at ng tabako. Bagaman ang iba’y nagpipilit na gumamit sa kanilang sarili ng mga lasong ito, ano ang kanilang karapatang dungisan ang hanging hinihinga ng iba? PnL

Sa mga bata at mga kabataan ang paggamit ng tabako ay gumagawa na walang nabanggit na panganib. Ang mga di-malusog na gawain ng nakalipas na henerasyon ay nakaaapekto sa mga bata at mga kabataan ngayon. Ang kakulangang pangkaisipan, kahinaang pisikal, ay nagbibigay ng dipirensya sa mga nerbiyos, at ang di-natural na pananabik ay naisasalin bilang pamana mula sa mga magulang tungo sa mga anak. At ang gayunding mga kaugalian, na nagpapatuloy sa mga anak, ay nadadagdagan at nagpapanatili ng masamang mga resulta. Sa dahilang ito na hindi mababang antas ang pinagmulan ng pisikal, moral, at mental na pagbagsak na ngayon ay nagiging dahilan ng alarma. PnL

Ang mga kalalakihan ay nagsisimula sa paggamit ng tabako sa murang edad pa lang. Sa gayon nabubuo ang kaugalian kung kailan madaling tablan ang katawan at ang isipan ng epekto nito, nag-aalis ng pisikal na lakas, nagpapaliit ng katawan, tumutuliro sa isipan, at nagpaparumi sa moralidad. . . . PnL

Ako ay sumasamo sa mga nagpapakilalang naniniwala at sumusunod sa salita ng Diyos: Bilang isang Cristiano ay maaari ka bang sumunod sa gusto ng kaugalian na ginagawang paralisado ang iyong pang-unawa at ninanakawan ka ng kapangyarihang timbangin ng tama ang mga pangwalang hanggang reyalidad? Kaya mo bang konsentihing nakawan ang Diyos ng paglilingkod araw-araw na nararapat sa Kanya, at nakawan ang iyong kapwa tao ng paglilingkod na maaari mong ibigay gayundin ng kapangyarihan ng halimbawa? PnL

Napag-isipan mo na ba ang iyong responsibilidad bilang katiwala ng Diyos, sa yaman na nasa iyong kamay? Magkanong halaga ng salapi ng Panginoon ang nagugugol mo sa tabako?— The Ministry Of Healing, pp. 327-330. PnL