Pauwi Na Sa Langit
Ang Malaking Daan Tungo Sa Kalasingan, Hulyo 27
Huwag kang tumingin sa alak kapag ito'y mapula, kapag nagbibigay ng kanyang kulay sa kopa, at maayos na bumababa. Sa huli ay parang ahas itong kumakagat, at ulupong na tumutuklaw ang katulad. Kawikaan 23:31, 32. PnL
Ang kalasingan ay sadyang nagagawa lamang ng alak, serbesa, at cider kung paanong sa pamamagitan ng matapang na inumin. Ang paggamit ng mga inuming ito’y gumigising ng panlasa para roon sa higit na malakas, at sa gayo’y nagiging ugali ang pag-iinom. Ang katamtamang pag-inom ay siyang paaralan kung saan natuturuan ang mga tao para sa karera ng mga lasenggero. Gayunman ay lihim na mapanira ang gawain ng mga katamtamang pampagana na ang malaking daan tungo sa kalasingan ay napapasok bago pa ito mapansin ng biktima. PnL
Ang ilan na kailanman ay hindi maituturing na talagang lasing ay palaging nasa ilalim ng impluwensya ng malumanay na inuming nakalalasing. Sila’y sinisinat, dimatatag sa pag-iisip, at tagilid. Iniisip ang kanilang sarili na ligtas, sila’y sige lamang na nagpapatuloy, hanggang sa ang lahat ng mga hadlang ay naibagsak na, at ang bawat prinsipyo ay naisakripisyo. Ang pinakamatatag na mga kapasyahan ay naibuwal, ang pinakamataas na mga konsiderasyon ay hindi na sapat para ingatan ang brutal na panlasa sa ilalim ng pamamahala ng katuwiran. PnL
Saanman sa Biblia ay walang pagpapahintulot sa pag-inom ng alak na nakalalasing. Ang alak na ginawa ni Cristo mula sa tubig sa kasalan doon sa Cana ay purong katas mula sa ubas. Ito ang “bagong alak sa kumpol,” na sinasabing, “Huwag mong sirain, sapagkat diyan ay may pagpapala.” (Isaias 65:8.) PnL
Si Cristo ang Siyang, sa Lumang Tipan, ay nagbigay ng babala sa Israel, “Ang alak ay manunuya, ang matapang na inumin ay manggugulo; at sinumang naililigaw nito ay hindi matalino” (Kawikaan 20:1.) Siya mismo ay hindi nagbigay ng gayong inumin. Tayo’y tinutukso ni Satanas sa pagpapakalayaw na nagpapalabo ng pagiisip at magpapamanhid ng mga espirituwal na pagkaunawa, ngunit nagtuturo sa atin si Cristo na dalhin ang mababang likas sa pagpapasakop. Hindi Niya kailanman ilalagay sa ating harapan ang isang tukso. Ang kanyang buong buhay ay halimbawa ng pagtanggi sa sarili. Ito’y para wasakin ang kapangyarihan ng panlasa na sa apatnapung araw ng pag-aayuno sa ilang Siya’y nagdusa para sa atin ng pinakamatinding pagsubok na maaaring harapin ng tao. Si Cristo ang Siyang nagsabing si Juan Bautista ay hindi dapat uminom ng alak o ng matapang na inumin. Siya rin ang Siyang nagtagubilin ng gayunding abstinensya sa asawa ni Manoah. Si Cristo ay hindi kumukontra sa sarili Niyang aral. Ang hindi matapang na inumin na Kanyang ibinigay para sa mga bisita sa kasalan ay mabuti at nagpapasiglang inumin. Ito ang inuming ginamit ng ating Tagapagligtas at ng Kanyang mga alagad sa unang komunyon.— The Ministry Of Healing , pp. 332, 333. PnL