Pauwi Na Sa Langit

206/364

Huwag Humipo, Huwag Tumikim, Hulyo 26

Matakot ka sa Panginoon, at sa kasamaan ay lumayo ka. Ito'y magiging kagalingan sa laman mo, at kaginhawahan sa iyong mga buto. Kawikaan 3:7, 8. PnL

May gawain para sa mga ina para tulungan ang kanilang mga anak sa pagkakaroon ng tamang mga kaugalian at malinis na panlasa. Sanayin ang panlasa, turuan ang mga anak na iwasan ang mga pampasigla. Dalhin ang iyong mga anak tungo sa pagkakaroon ng lakas na moral para tanggihan ang masamang nakapaligid sa kanila. Turuan silang hindi sila dapat mauga ng iba, na hindi sila dapat susuko sa mas malakas na mga impluwensya, sa halip ay maging impluwensya sa iba para sa ikabubuti. PnL

Malaking pagsisikap ang nagagawa para ibagsak ang kawalang pagpipigil; ngunit higit na malaking bahagi ng pagsisikap ang hindi naiitutok sa tamang direksyon. Silang nagsusulong ng reporma sa pagpipigil ay dapat maging gising sa mga masasama na nagiging resulta ng paggamit ng di-tamang pagkain, mga rekado, tsaa, at kape. Nais naming sabihin sa mga manggagawa sa pagpipigil na sumainyo ang Diyos; ngunit iniimbitahan namin silang tumingin malalim sa layunin ng masama na kanilang nilalabanan at siguruhing sila’y tuluy-tuloy sa reporma. PnL

Dapat na panatilihin sa mga isipan ng mga tao ang tamang balanse sa kapangyarihang mental at moral na ito ay nakadepende ng higit sa tamang kondisyon ng sistemang pisikal. Ang mga narkotik at di-natural na pampaganang nagpapahina at nagpapabagsak ng pisikal na likas ay nagpapababa sa kakayahan ng talino at moral. Ang kawalang pagpipigil ang pundasyon ng pagkasalaula ng moralidad ng sanlibutan. Sa pamamagitan ng pagpapalayaw sa baluktot na gana, nawawalan ng kakayahan ang mga babae at lalaki na labanan ang tukso. PnL

Ang mga tagapagreporma ng pagpipigil ay may gawain sa pagbibigay ng edukasyon sa mga tao sa linyang ito. Turuan silang ang kalusugan, ang karakter, at kahit pa ang buhay, ay nailalagay sa panganib dahil sa paggamit ng mga pampagana, na bumubuhay sa naubos na lakas tungo sa di-natural o pabigla-biglang kilos. PnL

Tungkol sa tsaa, kape, tabako, at mga inuming may alkohol, ang tanging ligtas na gawin ay huwag humipo, huwag tumikim, huwag humawak. Ang tunguhin ng tsaa, kape, at gayunding mga inumin ay gaya sa direksyon ng alak at tabako, at sa ibang pagkakataon ang kagawiang ito’y kasing hirap alisin gaya ng pag-alis ng lasenggero sa mga nakalalasing na inumin. Yaong mga sumusubok iwanan ang mga pampaganang ito sa ilang panahon ay makadarama ng kawalan at magdurusa na nawala ang mga ito. Ngunit sa pamamagitan ng pagsisikap ay mapagtatagumpayan nila ang pananabik at hihinto sa pagkadama ng kakulangan. Ang kalikasan ay maaaring humingi ng ilang panahon para makabangon mula sa pag-abusong kanyang pinagdaanan; ngunit bigyan siya ng pagkakataon, at siya’y muling magbabalik sigla at gagawa ng kanyang gawain na marangal at maayos.— The Ministry Of Healing, pp. 334, 335. PnL