Pauwi Na Sa Langit
Maging Regular, Hulyo 25
Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay mapabuti ka at magkaroon ng kalusugan, kung paanong nasa mabuti ring kalagayan ang iyong kaluluwa. 3 Juan 1:2. PnL
Sa maraming pagkakataon, ang dalawang beses na pagkain ay mas higit na mabuti kaysa tatlo. Ang hapunan, kapag ginawang mas maaga, ay humahadlang sa pagtunaw sa naunang kinain. Kapag nahuli naman, hindi ito natutunaw bago ang oras ng pagtulog. Sa gayon ang tiyan ay hindi nagkakaroon ng tamang pagpapahinga. Naaabala ang pagtulog, napapagod ang utak at ang mga nerbiyos, at nawawala ang gana sa pagkain ng agahan, ang buong sistema ay di-napasisigla at di-nahahanda sa panibagong araw na tungkulin. PnL
Ang kahalagahan ng regularidad sa oras ng pagkain at pagtulog ay hindi dapat pawalang halaga. Dahil sa ang pagpapalakas ng katawan ay nagaganap sa panahon ng pagpapahinga, ito’y mahalaga, lalo na sa mga kabataan, na maging regular at sagana ang pagtulog. PnL
Hangga’t maaari ay dapat nating iwasan ang pagmamadali sa pagkain, mas maikling oras sa pagkain, ay kaunti lamang ang dapat kainin. Higit na mabuting magpalipas ng pagkain kaysa kumain na walang tamang pagnguya. PnL
Ang oras ng pagkain ay dapat maging oras ng sosyal na pakikipag-ugnayan at pagsasalu-salo. Anumang maaaring maging pabigat o makayayamot ay dapat alisin. Hayaang ang pagtitiwala at kabutihan, at pasasalamat sa Tagapagkaloob ng lahat ng mabuti ang maitampok, at ang usapan ay magiging masaya, at mapapasigla ang maayos na takbo ng isipan na hindi napapagod. PnL
Ang pagsasagawa ng pagpipigil at regularidad sa lahat ng mga bagay ay may kahanga-hangang kapangyarihan. Higit ang magagawa nito kaysa mga pangyayari o natural na mga kaloob para mapaunlad ang katamisan at kapayapaan ng disposisyong napakahalaga sa pagpapagaan ng daan ng buhay. Sa pagkakataon ding iyon ang kapangyarihan ng pagpipigil sa sarili na natamo ay matatagpuang isa sa pinakamahalagang kagamitan para sa matagumpay sa pakikipagbuno sa istriktong tungkulin at reyalidad na naghihintay sa bawat tao. PnL
Ang daan ng karunungan “ay mga daan ng kaligayahan, at ang lahat niyang mga landas ay kapayapaan.” (Kawikaan 3:17.) Hayaang ang mga kabataan ng lupain, taglay ang mga posibilidad sa harapan nila sa kapalarang matayog pa sa mga haring pinutungan, ay pag-isipan ang mga aral na ipinakikita ng salita ng matalinong tao, “Mapalad ka, O lupain, kung . . . ang iyong mga pinuno ay nagpipista sa kaukulang panahon para sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!” (Eclesiastes 10:17.)— Education , pp. 205, 206. PnL