Pauwi Na Sa Langit

203/364

Pagtatalaga Ng Mga Pangmagulang, Hulyo 23

Lumakad kayong gaya ng mga anak ng liwanag. Efeso 5:8. PnL

Isang banal na pagkakatiwala ang ibinigay sa mga magulang, na bantayan ang pisikal at moral na bahagi ng kanilang mga anak, upang maging balanse ang nervous system, at hindi mailagay sa panganib ang kaluluwa. Dapat nauunawaan ng mga ama at ina ang panuntunan ng buhay, upang hindi nila, sa kawalang-alam, payagang matutuhan ng kanilang mga anak ang mga maling pag-uugali. Ang pagkain ay nakaaapekto sa moral at pisikal na kalusugan. Gaanong pag-iingat, kung gayon, ang kinakailangan ng mga ina na pag-aralang maglagay sa mesa ng pinakapayak, masusustansyang pagkain, upang hindi humina ang mga bahaging pantunaw ng katawan, at maging di-balanse ang mga nerbiyos, o kaya ay mawala ang kanilang mga tagubiling kanilang ibinibigay sa mga anak. PnL

Nakikita ni Satanas na hindi siya magkakaroon ng gayong kapangyarihan sa isipan kung napipigil ang panlasa na gaya sa isang nagpapakasasa, at siya’y patuloy na gumagawa para madala tayo sa pagpapakasasa. Sa ilalim ng impluwensya ng dinakapagpapalusog na pagkain, nagiging tuliro ang konsyensya, nagiging malabo ang pag-iisip, at napahihina ang kanyang pagkamaramdamin sa mga impresyon. Ngunit ang pagkakasala ng lumalabag ay hindi nababawasan dahil sa nalabag ang konsyensya hanggang sa siya’y wala nang pagkadama. PnL

Dahil nakadepende ang malusog na kalagayan ng pag-iisip sa normal na kondisyon ng mahahalagang mga puwersa, anong pag-iingat ang dapat gawin kaya ang mga pampasigla at mga pampaantok ay hindi dapat gamitin! Gayunman, nakikita nating malaking bilang ng mga nag-aangking Cristiano ang gumagamit ng tabako. Kanilang pinagsisisihan ang kasamaan ng kawalang-pagpipigil, habang nagsasalita laban sa paggamit ng alak, mismong ang mga taong ito’y magbubuga ng katas ng tabako. Kailangang magkaroon ng pagbabago sa damdamin tungkol sa paggamit ng tabako bago pa makaabot sa ugat ng lahat ng kasamaan. Ating higit pang idinidiin ang paksang mas malapit. Ang tsaa at kape ay kumakandili ng panlasa para sa mas malakas na pampasigla. Pagkatapos ay nagiging mas malapit tayo, sa paghahanda ng pagkain, at ating itinatanong, Ang pagpipigil ba ay isinasagawa sa lahat ng bagay? Ang mga pagbabago bang mahalaga sa kalusugan at kasiyahan ay nagagamit dito? PnL

Ang lahat ng totoong Cristiano ay magpipigil ng kanilang panlasa at mga silakbo ng damdamin. Malibang sila’y makalaya sa pagkaalipin ng panlasa, hindi sila maaaring maging totoo, na masunuring lingkod ni Cristo. Ang pagpapakasasa ng panlasa at silakbo ng damdamin ay nagpapapurol sa epekto ng katotohanan sa ating puso. Nagiging imposible sa espiritu at kapangyarihan ng katotohanan na pabanalin sila, sa kaluluwa, katawan, at espiritu, kung sila’y nakokontrol ng mahalay na mga pagnanasa.— Fundamentals Of Christian Education, pp. 143, 144. PnL