Pauwi Na Sa Langit

202/364

Ang Halimbawa Ni Juan Bautista, Hulyo 22

Sapagkat siya'y magiging dakila sa harapan ng Panginoon, at hindi siya iinom ng alak o matapang na inumin. Siya'y mapupuno ng Espiritu Santo mula pa sa sinapupunan ng kanyang ina. Lucas 1:15. PnL

Bilang Propeta, si Juan ay “papanumbalikin ang mga puso ng mga magulang sa kanilang mga anak, at ang mga suwail sa karunungan ng mga matuwid, upang ihanda ang isang bayang nakalaan sa Panginoon.” Sa paghahanda ng daan para sa unang pagdating ni Cristo, siya’y kumakatawan sa mga maghahanda ng mga tao para sa ikalawang pagdating ng Panginoon. Ang sanlibutan ay nabubuhay sa pagbibigay lugod sa sarili. Sagana ang mga kamalian at mga katha. Lalong dumarami ang mga silo ni Satanas para sa pagwasak ng mga kaluluwa. Ang lahat ng pinasasakdal ang kabanalan sa pagkatakot sa Diyos ay dapat matuto ng aral ng pagtitimpi at pagpipigil sa sarili. Ang panlasa at silakbo ng damdamin ay dapat mapasailalim ng mas mataas na kapangyarihan ng kaisipan. Ang disiplinang ito sa sarili ay mahalaga sa kakayahang pangkaisipan at espirituwal na pananaw na magbibigay kakayahan sa atin upang maunawaan at maisagawa ang mga banal na katotohanan ng salita ng Diyos. Sa dahilang ito matatagpuan ang bahagi ng pagpipigil sa gawain ng paghahanda sa ikalawang pagdating ni Cristo. PnL

Sa natural na pagkakaugnay ng mga bagay, ang anak ni Zacarias ay dapat magkaroon ng edukasyon ng pagkapari. Ngunit ang pagsasanay sa paaralan ng mga Rabi ay magpapawalang kakayahan sa kanya para sa gawain. Hindi siya sinugo ng Diyos doon sa mga guro ng teolohiya para matuto kung paano magbigay ng kahulugan sa mga kasulatan. Tinawag Niya siya sa ilang, upang matutuhan niya ang kalikasan at ang Diyos ng kalikasan. PnL

Sa isang malungkot na rehiyon siya nakatagpo ng tahanan, sa kalagitnaan ng baog na mga bundok, mga bangin sa ilang, at mabatong mga kuweba. Ngunit pinili niyang iwanan ang kasiyahan at karangyaan ng buhay para sa mahigpit na pagdidisiplina sa ilang. Dito ang kanyang kapaligiran ay kasang-ayon sa mga gawi ng pagiging simple at pagtanggi sa sarili. Hindi naaabala ng pagtawag ng sanlibutan, mapag-aaralan niya rito ang mga aral ng kalikasan, ng pahayag, at ng Diyos. Ang salita ng anghel kay Zacarias ay madalas na ulitin kay Juan ng kanyang magulang na may takot sa Diyos. Mula pagkabata ang kanyang misyon ay inihahayag sa kanya, at kanyang tinanggap ang banal na pagtitiwala. Para sa kanya ang mapanglaw na ilang ay isang pagtakas mula sa sosyodad kung saan ang pagdududa, at kawalang pananampalataya, at ang karumihan ay malapit nang maging laganap sa lahat. Hindi siya nagtiwala sa sariling kakayahan na magtagumpay sa tukso, at malubog sa palagiang pagkakita ng kasalanan, dahil kung hindi ay mawawala ang kanyang pagkadama sa kasamaan ng kasalanan. PnL

Nakatalaga sa Diyos bilang Nazarita mula ng pagkabata, siya mismo ang gumawa ng panata para sa isang buong buhay na pagtatalaga.— The Desire Of Ages , pp. 101, 102. PnL