Pauwi Na Sa Langit
Kapangyarihang Mag-Isip At Gumawa, Hulyo 20
Higit kaysa mga perlas ang halaga ng karunungan. Job 28:18. PnL
Ang Banal na Kasulatan ang sakdal na pamantayan ng katotohanan, at dahil ang gayon ay kailangang bigyan ng pinakamataas na lugar sa edukasyon. Para magkaroon ng edukasyon na karapat-dapat sa pangalan, dapat tayong tumanggap ng kaalaman tungkol sa Diyos, ang Manlilikha, at si Cristo, ang Manunubos, kung paano Sila inihahayag sa banal na kasulatan. PnL
Lahat ng tao, na nilikha sa larawan ng Diyos, ay pinagkalooban ng kapangyarihan na katulad ng sa Manlilikha—kasarilihan, kapangyarihang mag-isip at gumawa. Ang mga taong pinaunlad ang kapangyarihang ito’y silang gumaganap ng responsibilidad, silang tagapanguna sa proyekto, na nakaiimpluwensya sa karakter. Gawain ng totoong edukasyon na paunlarin ang kapangyarihang ito, para sanayin ang mga kabataan na maging palaisip, at hindi lang mga gumagaya ng isipan ng iba. Sa halip na patunayan ang kanilang pinag-aralan sa pamamagitan ng sinabi o isinulat ng iba, hayaang ang mga estudyante ay maituon sa pinagmumulan ng katotohanan, sa malawak na bukiran na bukas para sa pagsasaliksik na nasa kalikasan at pahayag. Hayaang mag-isip sila sa dakilang katotohanan ng tungkulin at kahihinatnan, at lalawak ang kaisipan at mapalalakas. Sa halip na mga edukadong mahihina, ang mga institusyon ng pagkatuto ay maaaring magsugo ng mga taong may malakas na pag-iisip at paggawa, na mga nangunguna at hindi alipin ng sitwasyon, na nagtataglay ng malawak na kaisipan, kaliwanagan ng pananaw, at katapangan ng kanilang paniniwala. PnL
Ang gayong edukasyon ay nagkakaloob nang higit pa sa disiplinang pangkaisipan; nagbibigay ng higit pa sa pisikal na kasanayan. Nagpapalakas ito sa karakter upang ang katotohanan at pagiging matuwid ay di-nasasakripisyo sa pansariling nais o ambisyong makasanlibutan. Nagpapatatag ito ng kaisipan laban sa masama. Sa halip na ang silakbo ng damdamin ang maging kapangyarihan para sa pagwasak, ang bawat motibo at nais na nagiging kasang-ayon sa dakilang prinsipyo ng tama. Habang pinag-iisipan ang kasakdalan ng karakter, nababago ang kaisipan, at nalilikhang panibago ang kaluluwa tungo sa larawan ng Diyos. . . . PnL
Mas mataas sa pinakamataas na kayang isipin ng tao ang mithiin ng Diyos para sa Kanyang mga anak. Kabanalan—pagiging kagaya ng Diyos—ang layunin na kailangang abutin. Sa harapan ng mga estudyante ay may bukas na daan ng patuloy na pag-usad. Sila’y may mga layuning kailangang abutin, isang pamantayang dapat tamuhin, na kabilang ang lahat nang mabuti, malinis, at marangal. Sila’y susulong sa pinakamabilis at pinakamalayong maaabot sa bawat bahagi ng totoong karunungan. Ngunit ang kanilang pagsisikap ay maitutuon sa mga bagay na pansarili at pansamantalang interes kung paanong ang langit ay higit na mataas kaysa lupa.— Education , pp. 17-19. PnL
Ang Kapangyarihan Ng Pagpipigil, Hulyo 21 PnL
Sapagkat kayo'y binili sa isang halaga, kaya't luwalhatiin ninyo ng inyong katawan ang Diyos. 1 Corinto 6:20. PnL
Ang pagpipigil sa lahat ng bagay sa buhay na ito ay dapat ituro at isagawa. Ang pagtitimpi sa pagkain, sa pag-inom, pagtulog, sa pananamit ay isa sa mga marangal na mga prinsipyo ng relihiyosong buhay. Ang katotohanang dinala sa santuwaryo ng kaluluwa ay gagabay sa pagbibigay lunas sa katawan. Walang anumang may kinalaman sa kalusugan ng tao ang dapat ipagwalang bahala. Ang ating walang hanggang kinabukasan ay nakadepende sa ating ginagawang paggamit sa panahong ito sa ating buhay ng oras, lakas, at impluwensya. Isang buhay lamang ang ipinahiram sa atin dito; at ang dapat na tanong ng lahat ay, Paano ko magagamit ang aking buhay upang ito’y magkaroon ng dakilang pakinabang. PnL
Ang ating unang tungkulin sa Diyos, at sa ating kapwa ay ang pagpapaunlad ng ating sarili. Anumang ipinagkaloob sa atin ng Manlilikha ay dapat linangin tungo sa pinakamataas na kalagayan ng kasakdalan, upang magawa natin ang pinakamalaking ikabubuti na ating makakaya. Kaya ang oras na iyon ay ginagamit sa mabuting akala na tungo sa pagtatatag at pagpapanatili ng maayos na mental at pisikal na kalusugan. Hindi natin maaaring pahinain o salantain ang kahit isang gawain ng kaisipan o ng katawan sa pamamagitan ng sobrang trabaho o pag-abuso sa anumang bahagi ng buhay na makinarya. Siguradong kapag ginawa natin ito, ating haharapin ang kapinsalaan. PnL
Bawat araw ang mga taong nasa pinagkakatiwalaang posisyon ay kailangang gumawa ng mga desisyon kung saan nakadepende ang resulta na may malaking halaga. Kadalasang kailangan nilang mag-isip nang mabilis, at matagumpay itong magagawa noong nagsasagawa ng istriktong pagpipigil. Napalalakas ang kaisipan sa ilalim ng tamang paggamit ng pisikal at mental na kapangyarihan. Kung hindi naman gaanong mabigat ang puwersa, bagong lakas ang natatanggap sa bawat pagbubuwis. . . . PnL
Yaong mga, gaya ni Daniel, na tumangging dumihan ang kanilang mga sarili ay tatanggap ng gantimpala sa kanilang ugali ng pagpipigil. Sa kanilang mas malaking pisikal na tibay at nadagdagang kapangyarihan ng katatagan, sila’y may nakabangkong deposito na mapagkukunan sa panahon ng pangangailangan. PnL
Ang tamang pisikal na kaugalian ay nagpapataas ng mentalidad na may mataas na uri. Ang pangkaisipang kapangyarihan, pisikal na lakas, at mahabang buhay ay nakadepende sa di-nagbabagong mga kautusan. Sa ganitong bagay ay walang bigla na lang o kaya ay nagkataon. Ang Diyos ng kalikasan ay di-makikialam para maingatan tayo sa masamang dulot ng paglabag sa batas ng kalikasan.— Child Guidance , pp. 394-396. PnL