Pauwi Na Sa Langit
Alalahanin Ang Mga Dukha, Hulyo 5
Kung ibig mong maging ganap, humayo ka, ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit; pagkatapos ay pumarito ka, at sumunod ka sa akin. Mateo 19:21. PnL
Kung ating kakatawanin ang karakter ni Cristo, bawat katiting na pagkamakasarili ay dapat tanggalin sa pagkatao. Sa pagsusulong ng gawaing Kanyang inilagay sa ating mga kamay, magiging isang pangangailangan para sa atin na ibigay ang bawat katiting at kapiranggot na matitipid natin. Ang kahirapan at pagkabalisa ay makararating sa ating kaalaman, ang mga naghihirap at nagdurusa ay kailangang guminhawa. Masyadong kakaunti ang nalalaman nating pagdurusa ng mga tao na umiiral sa paligid natin; ngunit sa pagkakaroon natin ng pagkakataon, dapat tayong maging handa sa pagkakaloob ng tulong doon sa mga nasa ilalim ng matinding kagipitan. PnL
Ang pag-aaksaya ng pera sa nag-aalis sa mga dukha ng kabuhayang kinakailangan para magkaroon sila ng pagkain at damit. Iyong mga ginugol para sa kaligayahan ng pagmamataas, sa pananamit, sa mga gusali, sa mga kasangkapan sa bahay, at sa mga dekorasyon ay makapagbibigay ng ginhawa sa pagkabalisa ng maraming kahabaghabag, at nagdurusang pamilya. PnL
Ang pagbibigay na bunga ng pagtanggi sa sarili ay isang kahanga-hangang tulong para sa tagapagkaloob. Nagdudulot ito ng isang edukasyong tumutulong sa ating lubos na maunawaan ang gawain Niyang yumaon upang gumawa ng mabuti, nagbibigay ginhawa sa nagdurusa, at nagkakaloob ng pangangailangan sa mga salat. PnL
Ang patuloy, pagiging mapagbigay na may pagtanggi sa sarili ang solusyon ng Diyos sa mapanirang kasalanan ng pagkamakasarili at karamutan. Inilagay ng Diyos ang sistematikong kawanggawa para tustusan ang Kanyang gawain at tulungan ang mga nagdurusa at nangangailangan. Kanyang itinalaga na maging pag-uugali ang pagbibigay, upang malabanan nito ang delikado at mapandayang kasalanan ng kasakiman. Ang kasakiman ay ginugutom ng patuloy na pagbibigay hanggang sa ito’y mamatay. Ang sistematikong pagbibigay ay ginawa sa pag-uutos ng Diyos para wasakin ang mga yaman sa madaliang paraan kung paano ito nakamit, at para maitalaga ang mga ito sa Panginoon, kung kanino ito nabibilang. PnL
Ang patuloy na pagsasagawa ng panukalang sistematikong pagbibigay ay nagpapahina sa kasakiman at nagpapalakas sa pagbibigay. Kung nadaragdagan ang yaman, ang mga tao, kahit na ang mga nagpapakilala ng kabanalan, kapag kanilang itinuon dito ang kanilang puso; at sa salaping mayroon sila, magiging kakaunti ang kanilang ibibigay sa kaban ng Panginoon. Sa ganoon ginagawang makasarili ng kayamanan ang tao, at nagpapakain ang pag-iimbak sa kasakiman; at napalalakas ang mga kasamaang ito sa pamamagitan ng aktibong pagsasagawa. Alam ng Diyos ang ating panganib at iniiiwas tayo sa pamamagitan ng pamamaraan upang maiingatan tayo sa sarili nating pagkasira. Hinihiling Niya ang patuloy na pagsasanay ng kagandahang loob.— The Adventist Home, pp. 370, 371. PnL