Pauwi Na Sa Langit

185/364

Iwasang Magkautang, Hulyo 4

Huwag kayong magkautang ng anuman sa kaninuman, kundi mag-ibigan sa isa't isa, sapagkat ang umiibig sa kanyang kapwa'y nakatupad na ng kautusan. Roma 13:8. PnL

May karapatan ang sanlibutan na umasa sa istriktong integridad doon sa mga nag-aangking mga Cristiano ayon sa Biblia. Ang kapabayaan ng isang tao sa pagbabayad ng mga nararapat ay maglalagay sa lahat ng ating mga tao na maging dikapani-paniwala. PnL

Yaong mga nagpapakunwari sa kabanalan ay dapat maggayak ayon sa doktrinang kanilang ipinahahayag, at hindi dapat magbigay ng pagkakataon para laitin ang katotohanan sa pamamagitan ng kanilang di-pinag-isipang pagkilos. “Huwag kayong magkautang ng anuman sa kaninuman,” ang sinasabi ng apostol. PnL

Maging determinado na hindi na magkaroon ng panibagong utang. Tanggihan ang sarili sa libong mga bagay kaysa magkaroon ng utang. Ito ang naging sumpa sa iyong buhay. Iwasan ito kung paano mo iniiwasan ang bulutong. PnL

Magkaroon ng isang banal na pakikipagkasundo sa Diyos na sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala ay babayaran mo ang iyong utang at hindi kana magkakaroon pa ng utang kung ikaw man ay mabuhay sa lugaw at tinapay. Napakadali sa paghahanda ng iyong mesa na gumugol ng 25 sentimo mula sa laman ng bulsa sa mga sobra. Ingatan ang mga pera at ang iingatan ng mga dolyar ang sarili nito. Ang mga barya rito at roon ang ginugugol dito, diyan, at sa iba pa ang siyang nagiging mga dolyar. Tanggihan ang iyong sarili kahit habang ikaw ay napaliligiran ng mga utang. . . . Huwag sumuko, maging matatag, o magbalik. Tanggihan ang panlasa, tanggihan ang pagpapakasasa sa hilig, ipunin ang iyong barya, at bayaran ang iyong utang. Gawin ito kaagad. Kapag muli ka nang nakatatayo nang malaya, na walang pagkakautang kaninuman, nagkaroon ka ng isang dakilang pagtatagumpay. PnL

Kung may ilang natagpuang may pagkakautang at wala talagang kakayahang bayaran ang kanilang mga obligasyon, hindi sila dapat piliting gawin ang higit sa kanilang makakaya. Dapat silang bigyan ng pagkakataon na makalabas sa mga pagkakautang, at hindi malagay sa posisyon kung saan hindi na sila makalalaya sa pagkakautang. Bagaman ang gayong pagkilos ay maituturing na hustisya, hindi iyon awa at pag-ibig ng Diyos. PnL

Ang iba ay di-nag-iingat kaya nagkakautang na maaari namang maiwasan. Ang iba naman ay nag-iingat dahil sa di-paniniwala. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga kalamangan ng mga pagkakataon ay maaari tayong mamuhunan minsan para sa ikabubuti upang ang gawain ng Diyos ay mapapatatag at maiaangat, gayunpaman ay mahigpit na sinusunod ang tamang mga prinsipyo.— The Adventist Home, pp. 393, 394. PnL