Pauwi Na Sa Langit
Alalahanin Ang Diyos Sa Iyong Habilin, Hulyo 6
Bukod dito, kailangan sa mga katiwala na sila ay matagpuang tapat. 1 Corinto 4:2. PnL
Yaong mga tapat na katiwala ng mga pag-aari ng Diyos ay makaaalam kung paano tumatayo ang kanilang negosyo, at, gaya ng matalino, sila’y magiging handa sa anumang biglang pangangailangan. Kung sakaling ang kanilang probasyon ay biglang magsara, hindi nila dapat iwan ang ganoon kalaking kabalisahan doon sa mga taong tinawag para ayusin ang kanilang ari-arian. PnL
Marami ang hindi ginagawa ang tungkol sa usapin ng paggawa ng kanilang testamento habang sila’y nasa mabuting kalusugan pa. Ngunit ang pag-iingat na ito’y dapat gawin. Dapat nilang alamin ang katayuan ng kanilang pananalapi at hindi dapat hayaang magkaroon ng gusot ang kanilang negosyo. Dapat nilang isaayos ang kanilang pag-aari sa paraang maaari nila itong iwanan sa anumang oras. PnL
Ang habilin ay dapat gawin sa paraang makatatayo sa pagsubok ng batas. Matapos mailabas ito, maaari itong manatili sa loob ng maraming taon na walang masamang nagagawa, kung nagpapatuloy ang donasyon kung mayroong pangangailangan ang gawain. Ang kamatayan ay hindi darating isang araw o sa lalong madaling panahon, mga kapatid, dahil sa gumawa ka ng iyong habilin. Sa pag-iiwan ng iyong pag-aari sa iyong mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasulatan, siguruhing hindi mo nalilimutan ang gawain ng Diyos. Ikaw ay kanyang ahente, na humahawak ng Kanyang pag-aari; at ang Kanyang pahayag ang dapat mong unang isipin. Ang iyong asawa at mga anak, siyempre, ay hindi dapat iwang nangangailangan; ang pantustos ay dapat nakahanda para sa kanila kung nangangailangan sila. PnL
Huwag isipin ninuman na sila’y kaayon ng isipan ni Cristo kung kanilang iniimbak ang mga pag-aari sa kanilang buong buhay at pagkatapos sa kanilang kamatayan ay magpapamana ng bahagi nito sa gawain ng kawanggawa. PnL
Ilang makasarili ang ang nag-iimpok ng kanilang pag-aari sa buong buhay nila, nagtitiwalang mapupunan nila ang kanilang pagkukulang sa pamamagitan ng pagalaala sa gawain sa pamamagitan ng kanilang habilin. Ngunit hindi umabot sa kalahati ng kaloob ng ibinigay na pamana ang naging kapakinabangan sa tinukoy na layunin. Mga kapatid na lalaki at babae, kayo mismo ay mag-ipon sa bangko ng langit, at huwag ninyong iwanan sa iba ang inyong pagiging katiwala. PnL
Ang mga magulang ay dapat magkaroon ng malaking takot sa pagtitiwala sa kanilang mga anak ng talento at mga pag-aari na inilagay ng Diyos sa kanilang mga kamay, malibang sila’y may siguradong ebidensya, na ang kanilang mga anak ay interesado sa, pag-ibig para sa, at debosyon sa gawain ng Diyos higit sa anumang mayroon sila, at ang mga anak nilang ito’y magiging maalab at masigasig sa pagpapasulong ng gawain ng Diyos.— The Adventist Home, pp. 396-398. PnL