Pauwi Na Sa Langit

184/364

Isang Edukasyon Sa Pagiging Katiwala, Hulyo 3

Sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso. Lucas 12:34. PnL

O, gaanong laki ng pera ang sinasayang natin sa hindi mahahalagang gamit sa bahay, sa mga palamuti at magagarbong damit, sa mga kendi at sa mga gamit na hindi na natin kailangan! Mga magulang, turuan ninyo ang inyong mga anak na maling ang paggamit ng pera ng Diyos sa pagpapalugod sa sarili. . . . Himukin silang ipunin ang kanilang mga pera saanman may pagkakataon, para gamitin sa pangmisyonerong gawain. Magkakaroon sila ng mayayamang karanasan sa pamamagitan ng pagtanggi sa sarili, at ang gayong mga aral ay maglalayo sa kanila mula sa pagkakaroon ng mga gawi ng kawalang pagpipigil. PnL

Maaaring matutuhan ng mga bata na magpakita ng kanilang pag-ibig kay Cristo sa pamamagitan ng kanilang pagtanggi sa sarili sa mga di-kinakailangang maliliit na bagay, sapagkat sa pagbili ng mga ito ay malaking halaga ang nawawala sa kanilang mga kamay. Dapat gawin ang gawaing ito sa bawat pamilya. Nangangailangan ito taktika at pamamaraan, ngunit ito ang pinakamabuting edukasyon na maaaring matanggap ng mga bata. At kung dadalhin ng lahat ng mga bata ang kanilang mga handog sa Panginoon, ang kanilang mga kaloob ay magiging gaya ng maliliit na mga batis kung saan kapag pinagsama-sama at nanatiling dumadaloy, ay magiging isang malaking ilog. PnL

Maglagay ng maliit ng kahon na lalagyan ng pera sa isang ligtas na lugar na makikita ito, kung saan maaaring maglagay ang mga bata ng kanilang mga handog para sa Panginoon. . . . Sa gayo’y maaari silang sanayin para sa Diyos. PnL

Hindi lang hinihingi ng Panginoon ang ikapu bilang sariling Kanya, sinasabi rin Niya sa atin kung paano natin ito ilalaan para sa Kanya. Kanyang sinabi, “Parangalan mo ang Panginoon mula sa iyong kayamanan, at ng mga unang bunga ng lahat mong ani.” (Kawikaan 3:9.). Ito’y hindi nagtuturong gastusin natin ang mayroon tayo para sa ating sarili at dalhin sa Diyos ang natira, kahit pa ito sa ibang paraan ay tapat na ikapu. Ihiwalay ang bahagi ng Diyos. Ang direksiyong ibinigay ng Espiritu sa pamamagitan ni Pablo na may kinalaman sa mga kaloob ay nagpapakita ng prinsipyong tumutukoy din sa pag-iikapu. “Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan ayon sa kanyang makakaya, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan pagdating ko.” (1 Corinto 16:2.) Kabilang dito ang mga magulang at anak. . . . PnL

Ang pinakamabuting pamanang maaaring iwan ng magulang sa kanilang mga anak ay ang kaalaman sa kapaki-pakinabang na paggawa at ang halimbawa ng kanilang buhay na makikitaan ng walang pag-iimbot na pagkakawang-gawa. Sa pamamagitan ng ganoong buhay ay naipakikita nila ang tunay na halaga ng pera, na ito’y pahahalagahan para sa kabutihang magagawa nito sa pagpapaginhiwa ng kanilang nasa at sa pangangailangan ng iba, at sa pagtataguyod ng gawain ng Diyos.— The Adventist Home, pp. 388-390. PnL