Pauwi Na Sa Langit
Pagbabangong-Puri Sa Kautusan At Sabbath Ng Diyos, Hunyo 30
Sinong hindi matatakot at luluwalhati sa iyong pangalan O Panginoon, sapagkat Ikaw lamang ang banal. Apocalipsis 15:4. PnL
Habang ang mga banal na pagtitiwalang ito [Awit 46:1-3] ay tumataas sa Diyos, ang mga ulap ay nahahawi, at nakita ang langit na may mga bituin, na hindi masabi ang kaluwalhatian na kabaligtaran ng madilim at nagngangalit na mga ulap sa magkabilang panig. Ang kaluwalhatian ng maluwalhating lunsod ay dumadaloy mula sa mga nakabukas na pintuan. At pagkatapos ay lumabas sa kalangitan ang isang kamay na may hawak na dalawang tapyas ng batong nakatiklop. Sinabi ng propeta: “Ang langit ay nagpapahayag ng kanyang katuwiran; sapagkat ang Diyos ang siyang hukom.” (Awit 50:6.) Ang banal na kautusan, ang katuwiran ng Diyos, na sa kalagitnaan ng mga kulog at apoy ay ipinahayag sa Sinai bilang patnubay ng buhay, ay inihayag ng ayon sa mundo bilang pamantayan ng paghatol. Binuksan ng kamay ang mga tapyas [na bato], at nakita doon ang mga panuntunan ng Sampung Utos, na isinulat ng isang panulat na apoy. Napakalinaw ang mga salita para mabasa ng lahat. Ang mga memorya ay napukaw, ang kadiliman ng mga pamahiin at maling paniniwala ay inalis mula sa lahat ng isipan, at ang sampung salita ng Diyos, maikli, buo, at may awtoridad, ay ipinakita sa paningin ng mga naninirahan sa lupa. PnL
Imposibleng ipaliwanag ang takot at panlulupaypay ng mga tao na yumurak sa mga banal na tuntunin ng Diyos. Ibinigay sa kanila ng Diyos ang Kanyang kautusan; sana ay inihambing nila ang kanilang karakter dito at nalaman nila ang kanilang mga pagkukulang habang mayroon pang pagkakataon para magsisi at magbago; ngunit upang makuha ang pagsang-ayon ng mundo, kanilang isinantabi ang mga alituntunin at itinuro sa iba na sumuway. Nagsikap silang pilitin ang bayan ng Diyos na lapastanganin ang Kanyang Sabbath. Ngayon sila’y hinatulan sa pamamagitan ng kautusan na kanilang itinakwil. Na may kahanga-hangang liwanag, nakita nilang sila’y walang dahilan. Kanilang pinili kung sino ang kanilang paglilingkuran at sasambahin. “At minsan pa ay makikilala ninyo ang pagkakaiba ng taong matuwid at ng masama, ng taong naglilingkod sa Diyos at ng hindi naglilingkod sa kanya.” (Malakias 3:18.) PnL
Ang mga kaaway ng kautusan ng Diyos, mula sa mga ministro hanggang sa pinakamababa sa kanila ay may bagong pananaw tungkol sa katotohanan at tungkulin. Huli na nang makita nilang ang Sabbath ng ikaapat na utos ay ang tatak ng buhay na Diyos. Huli na rin na nakita nila ang likas ng huwad na sabbath at ang mabuhanging pundasyon kung saan ito’y nakatayo. Natuklasan nilang sila’y lumalaban sa Diyos.— The Great Controversy,p pp. 639, 640. PnL