Pauwi Na Sa Langit
Hulyo—Praktikal na Cristianong Pamumuhay
Diyos Ang May-Ari, Hulyo 1
Sapagkat bawat hayop sa gubat ay akin, ang hayop sa libong mga burol. Awit 50:10. PnL
Ang siyang naroroon sa pundasyon ng integridad sa negosyo at totoong tagumpay ay ang pagkilala sa Diyos bilang nagmamay-ari. Siyang lumikha ng lahat ng mga bagay, Siya ang totoong may-ari. Tayo’y Kanyang mga katiwala. Ang lahat ng mayroon tayo ay ipinagkatiwala mula sa Kanya, na dapat gamitin ayon sa Kanyang direksyon. PnL
Ito’y isang obligasyong nakapasan sa bawat tao. Ito’y may kinalaman sa buong bahagi ng gawain ng tao. Kilalanin man natin o hindi, tayo’y mga katiwala, na pinagkalooban mula sa Diyos ng mga kakayahan at kagamitan at inilagay sa sanlibutan upang gumawa ng isang gawain na Kanyang itinalaga. PnL
Ang salapi ay hindi sa atin, ang mga bahay at lupain, ang mga larawan at kasangkapan, ang mga kasuotan at karangyaan, ay hindi natin pag-aari. Tayo’y mga manlalakbay, tayo’y mga dayuhan. Nabigyan lamang tayo ng mga bagay na mahalaga sa buhay at kalusugan. . . . Ang mga pansamantalang pagpapala ay naibigay na may pagtitiwala, para patunayang tayo’y mapagkakatiwalaan ng mga walang hanggang kayamanan. Kapag tayo’y nagtagumpay sa pagsubok ng Diyos, kung gayo’y tatanggap tayo ng biniling pag-aari na magiging ating sarili—kaluwalhatian, karangalan at kawalang kamatayan. PnL
Kung ilalagay lang ng ating sariling bayan sa gawain ng Diyos ang salaping ipinahiram sa kanila ng may pagtitiwala, ang bahaging iyon na kanilang ginugol sa makasariling kasiyahan, sa idolatrya, sila’y makapag-iimpok ng kayamanan sa langit, at gagawin mismo ang gawaing hinihingi ng Diyos na kanilang gawin. Ngunit gaya ng mayamang lalaki roon sa talinghaga, nabubuhay sila sa karangyaan. Ang saling ibinigay sa kanila ng may pagtitiwala, para gamitin sa Kanyang kaluwalhatian, ay ginugol nila sa karangyaan. Hindi sila humihinto para isaalang-alang ang kanilang pananagutan sa Diyos. Hindi sila humihinto para isaalang-alang na may araw ng pagsusulit hindi na magtatagal mula ngayon, kung kailan kailangan nilang magpaliwanag sa kanilang pagiging katiwala. PnL
Dapat nating palaging alalahaning sa paghuhukom ay haharapin natin ang kung paano natin ginamit ang salapi ng Diyos. Malaki ang ginugugol sa ikalulugod ng sarili, sa ikasisiya ng sarili na hindi naman nakabubuti, sa halip ay ikapipinsala. Kung makikilala nating ang Diyos ang nagbibigay ng lahat ng mga mabubuting bagay, na ang salapi ay sa Kanya, sa gayo’y gagamit tayo ng karunungan sa paggugol nito, na umaayon sa Kanyang banal na kalooban. Ang sanlibutan, ang kaugalian nito, ang anyo nito’y hindi natin magiging pamantayan. Hindi tayo magkakaroon ng pagnanais na makiayon sa gawain nito; hindi natin hahayaang pigilin tayo ng ating mga kagustuhan.— The Adventist Home, pp. 367, 368. PnL