Pauwi Na Sa Langit

180/364

Reporma Sa Sabbath, Hunyo 29

Mapalad ang tao . . . ; na nangingilin ng Sabbath at hindi ito nilalapastangan. Isaias 56:2. PnL

Ang gawa ng reporma sa Sabbath ay tatapusin sa mga huling araw ayon sa inihula ni Isaias: “Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo’y magpairal ng katarungan, at gumawa ng matuwid; sapagkat ang Aking pagliligtas ay malapit nang dumating, at ang Aking katuwiran ay mahahayag. Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; na nangingilin ng Sabbath at hindi ito nilalapastangan, at umiiwas sa paggawa ng kasamaan.” (Isaias 56:1, 2.) . . . PnL

Ang mga salitang ito’y angkop sa panahon ng mga Cristiano, ayon sa konteksto nito: “Gayon ang sabi ng Panginoong Diyos, na nagtitipon ng mga itinapon mula sa Israel, titipunin ko pa ang iba sa kanya, bukod sa mga natipon na” (talatang 8.) Dito ay ipinapakita ang pagtitipon ng mga Hentil sa pamamagitan ng ebanghelyo. At para doon sa mga gumagalang sa Sabbath, isang pagpapala ang ipinahiwatig. Kaya ang obligasyon para sa ikaapat na utos ay lumalampas sa pagkapako, sa pagkabuhay na mag-uli, at sa pag-akyat ni Cristo, hanggang sa panahon na ang Kanyang mga alipin ay mangangaral sa lahat ng mga bansa ng mensahe ng mabuting balita. . . . PnL

Pinabanal dahil sa pagpapahinga at pagpapala ng Manlilikha, ang Sabbath ay ipinangilin nina Adan sa panahong wala siyang sala sa banal na Eden; sa pamamagitan ni Adan, nagkasala, ngunit nagsisi, nang siya’y pinalayas mula sa kanyang maligayang katayuan. Ipinangilin ito ng lahat ng mga patriyarka, mula kay Abel hanggang sa matuwid na si Noe hanggang kay Abraham, at kay Jacob. Nang ang piniling bayan ay nasa pagkaalipin sa Ehipto, marami, sa kalagitnaan ng umiiral na pagsamba sa diyusdiyosan, ay nawaglit sa kanilang kaalaman sa kautusan ng Diyos; ngunit nang iligtas ng Panginoon ang Israel, ipinahayag Niya ang Kanyang kautusan na may kahangahangang karingalan sa nagkakatipong karamihan, upang kanilang malaman ang Kanyang kalooban at matakot at sumunod sa Kanya hanggang sa walang-hanggan. PnL

Mula sa araw na iyon hanggang sa kasalukuyan, ang kaalaman tungkol sa kautusan ng Diyos ay iningatan sa lupa, at ang Sabbath ng ikaapat na utos ay ipinangilin. Bagaman ang “lalaki ng kasalanan” ay nagtagumpay na yurakan sa ilalim ng kanyang paa ang banal na araw ng Diyos, datapwat kahit na noong panahon ng kanyang pangunguna ay mayroon, na nakatago sa mga lihim na lugar, mga tapat na kaluluwang iginagalang ito. Mula noong Repormasyon, mayroon ilan sa bawat henerasyon na iniingatan ang pangingilin ito. Bagaman sa kalagitnaan ng kahihiyan at pag-uusig, isang patuloy na pagsaksi ay ipinagpatuloy para ipagpatuloy ang kautusan ng Diyos at ang banal na obligasyon ng Sabbath ng paglalang.— The Great Controversy, pp. 451, 453. PnL