Pauwi Na Sa Langit

158/364

Kautusan Ng Pag-Ibig, Hunyo 7

Ang pag-ibig ang siyang katuparan ng kautusan. Roma 13:10. PnL

Si Cristo mismo, sa kalagitnaan ng kulog at apoy, ang nagpahayag ng kautusan sa Bundok ng Sinai. Ang kaluwalhatian ng Diyos, tulad sa tumutupok na apoy, ay nanatili sa tuktok, at ang bundok ay nayanig sa presensya ng Panginoon. Ang mga hukbo ng Israel, na nakasubsob sa lupa, ay nakinig na may paghanga sa mga banal na alituntunin ng kautusan. Napakalaking pagkakaiba ang tanawin sa bundok ng Pagpapala! Sa ilalim ng kalangitan sa panahon ng tag-araw, na walang tunog na babasag sa katahimikan maliban sa mga huni ng ibon, isiniwalat ni Jesus ang mga prinsipyo ng Kanyang kaharian. Ngunit Siyang nagsalita sa mga tao nang araw na iyon na may pagdidiin sa pag-ibig, ay nagbubukas sa kanila ng mga prinsipyo ng kautusang ipinahayag sa Sinai. . . . PnL

Ang kautusan na ibinigay sa Sinai ay ang pagpapahayag ng prinsipyo ng pag-ibig, isang pagpapahayag sa lupa ng kautusan ng langit. Ito’y inordenahan sa kamay ng isang Tagapamagitan—sinalita Niya na sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan ay mailalapit ang mga puso ng tao na maging kaayon ng mga prinsipyo nito. Ipinakita ng Diyos ang layunin ng kautusan nang ipahayag Niya sa Israel, “Kayo’y mga taong itinalaga para sa Akin.” (Exodo 22:31.) PnL

Ngunit hindi naunawaan ng Israel ang espirituwal na likas ng kautusan, at mas madalas na ang kanilang itinuturing na pagsunod ay tanging pagsasagawa lang ng mga porma at seremonya, sa halip na isang pagpapasakop ng puso sa pagkasoberanya ng pag-ibig. Tulad ni Jesus sa Kanyang karakter at gawaing ipinakita sa mga tao, ang banal, maawain, at mga katangian ng Diyos na tulad sa isang magulang, at ipinakita ang kawalang-halagahan ng mga pagsunod lang sa seremonya, hindi naunawaan ng mga pinuno ng Judio ang Kanyang mga salita. Inakala nilang masyado Niyang pinagagaan ang mga alituntunin ng kautusan, at nang iharap Niya ang mismong mga katotohanan na siyang kaluluwa ng kanilang itinakdang maka-Diyos na paglilingkod, sila, sa pagtingin lang sa panlabas, ay inakusahan Siya na nagnanais na iwaksi ito. PnL

Ang mga salita ni Cristo, bagaman malumanay na sinalita, ay binigkas na may kataimtiman at kapangyarihan na kumilos sa mga puso ng tao. Nakinig sila sa paulitulit na mga walang-buhay na tradisyon at pabigat ng mga rabi, ngunit ito’y sa walang kabuluhan. Sila “ay namangha sa kanyang mga aral, sapagkat nagturo siya sa kanila na tulad sa mga awtoridad at hindi gaya ng kanilang mga eskriba.” (Mateo 7:29.) Pinansin ng mga Fariseo ang napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng kanilang paraan ng pagtuturo at ng paraan ni Cristo. Nakita nilang ang kadakilaan at kadalisayan at kagandahan ng katotohanan, kasama ang malalim at malumanay nitong impluwensya, ay humahawak nang matibay sa isipan ng marami.— Thoughts From The Mount Of Blessing, pp. 45-47. PnL