Pauwi Na Sa Langit
Ang Kautusan Ay Walang Hanggan, Hunyo 8
Huwag ninyong isiping pumarito Ako upang sirain ang kautusan o ang mga propeta; pumarito Ako hindi upang sirain, kundi upang tuparin ang mga ito. Mateo 5:17. PnL
Ang ating Manlilikha, ang Nagbigay ng kautusan, na nagpapahayag na hindi Niya layuning isantabi ang mga alituntunin nito. Ang lahat sa kalikasan, mula sa puwing sa sinag ng araw hanggang sa mga mundo sa kaitaasan, ay nasa ilalim ng kautusan. At sa pagsunod sa mga kautusang ito nakadepende ang kaayusan at pagkakaisa ng natural na mundo. Kaya mayroong mga dakilang prinsipyo ng katuwiran na nangangasiwa sa buhay ng lahat ng matatalinong nilalang, at sa pakikiisa sa mga prinsipyong ito nakadepende ang kabutihan ng sansinukob. Bago pa nilikha ang lupang ito, umiiral na ang kautusan ng Diyos. Ang mga anghel ay napangangasiwaan ng mga prinsipyong ito, at upang maging katugma ng lupa ang langit, dapat na sumunod ang sangkatauhan sa makalangit na kautusan. Para kina Adan at Eva ang mga alituntunin ng kautusan ay ipinabatid ni Cristo “nang sama-samang umawit ang mga tala sa umaga, at ang lahat ng mga anak ng Diyos ay nagsigawan sa tuwa.” (Job 38:7.) Ang misyon ni Cristo sa lupa ay hindi para sirain ang kautusan, ngunit sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay ibalik tayo sa pagsunod sa mga alituntunin nito. PnL
Ang minamahal na alagad, na nakinig sa mga salita ni Jesus sa bundok, na isinulat matagal nang panahon ang lumipas sa ilalim ng pagkasi ng Banal na Espiritu, ay nagsasalita tungkol sa kautusan bilang patuloy na obligasyon. Sinabi Niyang “ang kasalanan ay ang paglabag sa kautusan” at “sinumang gumagawa ng kasalanan ay lumalabag din naman sa kautusan.” (1 Juan 3:4.) Nilinaw Niyang ang kautusan na tinutukoy niya’y ” ang dating utos na nasa inyo buhat ng pasimula.” (1 Juan 2:7.) Ang tinutukoy Niya’y ang kautusan na umiiral noong paglalang at muling idiniin sa Bundok ng Sinai. PnL
Sa pagsasalita tungkol sa kautusan, sinabi ni Jesus, “pumarito Ako hindi upang sirain, kundi upang tuparin ang mga ito” dito gumamit Siya ng salitang “tuparin” sa isang kaparehong isipan nang Kanyang ipahayag kay Juan na Tagapagbautismo ang Kanyang layunin na “tuparin ang buong katuwiran” (Mateo 3:15); iyon ay, upang punuin ang buong sukat ng mga kahilingan ng kautusan, upang magbigay ng isang halimbawa ng sakdal na pagtalima sa kalooban ng Diyos. PnL
Ang misyon Niya’y “dakilain ang Kanyang kautusan at gawing marangal.” (Isaias 42:21.) Ipakikita Niya ang espirituwal na likas ng kautusan, upang ihayag ang malawakang mga prinsipyo nito, at linawin ang walang hanggang katungkulan nito. . . . PnL
Si Jesus, ang eksaktong larawan ng persona ng Ama, ang karilagan ng Kanyang kaluwalhatian, ang di-makasariling Manunubos, na sa buong paglalakbay Niya na may pag-ibig dito sa lupa, ay isang buhay na representasyon ng karakter ng kautusan ng Diyos.— Thoughts From The Mount Of Blessing, pp. 48, 49. PnL