Pauwi Na Sa Langit

156/364

Nasa Ilalim Ng Probasyon, Hunyo 5

Subalit mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyon ay tiyak na mamamatay ka. Genesis 2:17. PnL

Ang kautusan ng Diyos ay kasing sagrado mismo ng Diyos. Ito’y isang pahayag ng Kanyang kalooban, isang salin ng Kanyang karakter, ang pagpapakita ng pagibig at katalinuhan ng Diyos. Ang pagkakatugma ng mga nilikha ay nakadepende sa sakdal na pagkakaisa ng lahat ng may buhay, ng lahat ng bagay, may buhay o walang buhay, para sa kautusan ng Manlalalang. Itinakda ng Diyos ang mga batas para sa pamahalaan, hindi lang para sa mga may buhay na bagay, kundi sa lahat ng pagpapatakbo ng kalikasan. . . . Para sa mga tao, na pinakatampok na gawa ng paglikha, ay ipinagkaloob ng Diyos ang kapangyarihang maunawaan ang Kanyang mga alituntunin, upang maintindihan ang katarungan at kabutihan ng Kanyang kautusan, at ang mga banal na kahilingan sa kanila, at sa kanilang di-natitinag na pagsunod ay kinakailangan. PnL

Tulad ng mga anghel, inilagay ang mga naninirahan sa Eden sa isang palugit; ang kanilang maligayang katayuan ay mapananatili lang sa isang kondisyon ng katapatan sa mga kautusan ng Manlalalang. Sila’y puwedeng sumunod at mabuhay, o sumuway at mamatay. Itinakda ng Diyos na sila’y maging tagatanggap ng mga mayamang pagpapala; ngunit kapag sinuway nila ang Kanyang kalooban, Siyang hindi pinaligtas ang mga anghel na nagkasala, ay hindi sila palalagpasin; ang pagsuway ay magpapawalang-bisa sa Kanyang mga kaloob at magdudulot sa kanila ng paghihirap at pagkawasak. PnL

Nagbabala sa kanila ang mga anghel na magbantay laban sa mga pandaraya ni Satanas, sapagkat hindi hihina ang kanyang pagsisikap para dayain sila. Habang sila’y masunurin sa Diyos, hindi sila mapapahamak ng demonyo; sapagkat, kung kinakailangan ay isusugo ang bawat anghel sa langit para tulungan sila. Kung matatag silang lalaban sa kanyang unang mga pasaring, sila’y magiging ligtas tulad ng mga mensaherong mula sa langit. Ngunit sa pagkakataong napasuko sila ng tukso, ang kanilang likas ay masyadong mapasasama na sa kanilang mga sarili ay hindi sila magkakaroon ng kapangyarihan at pagpapasya para labanan si Satanas. PnL

Ang punungkahoy ng pagkaalam ay naging isang pagsubok sa kanilang pagsunod at pag-ibig sa Diyos. Nakita ng Panginoon na angkop na maglagay sa kanila ng isa lang na pagbabawal habang makagagamit sa lahat ng nasa hardin; ngunit kung babalewalain nila ang Kanyang kalooban sa bagay na ito, sila’y magkakasala ng pagsuway. Hindi sila dapat sundan ni Saranas ng tuloy-tuloy na panunukso; magkakaroon lang siya ng daan sa kanila sa ipinagbabawal na puno. Sa pagkakataong subukan nilang tuklasin ang likas nito, sila’y haharap sa kanyang mga pandaraya. Sila’y pinakiusapang magbigay ng maingat na pakikinig sa babalang ito na isinugo ng Diyos at maging kontento sa mga turong nakita ng Diyos na angkop na ibigay sa kanila.— Patriarchs And Prophets , pp. 52, 53. PnL