Pauwi Na Sa Langit

155/364

Ang Pananggalang Ng Diyos, Hunyo 4

Mapalad ang sumusunod sa kautusan. Kawikaan 29:18. PnL

Mayroon na lang isang pag-asa para sa lahi ng mga tao—upang ilahok sa kumpol ng mga magkakasalungat at tiwaling elemento ang isang bagong lebadura; upang maipadala sana sa sangkatauhan ang isang kapangyarihan ng isang bagong buhay, upang muling maibalik sa mundo ang kalaman sa Diyos. PnL

Dumating si Jesus para ibalik muli ang kaalamang ito. Dumating Siya upang alisin ang mga maling aral kung saan Siya siniraan ng mga taong nag-aangking kilala ang Diyos. Dumating Siya para ipakita ang likas ng Kanyang kautusan, para ipakita ang Kanyang sariling karakter, ang kagandahan ng kabanalan. PnL

Dumating si Jesus na may kasamang tinipong pag-ibig ng walang hanggan. Na pinawi ang lahat ng mga pahirap na nagpabigat sa kautusan ng Diyos. Ipinakita Niyang ang kautusan ay kautusan ng pag-ibig, ang paghahayag ng Maka-Diyos na Kabutihan. Ipinakita Niyang sa pagsunod sa mga prinsipyo nito’y kasama ang kaligayahan ng sangkatauhan, at kasama nito ang katatagan, ang mismong pundasyon at saligan, ng lipunan ng tao. PnL

Sa halip na gumawa ng mga mahigpit na alituntunin, ang kautusan ay ibinigay sa atin bilang bakod, isang pananggalang. Sinumang tumanggap sa mga prinsipyo nito’y iingatan mula sa kasamaan. Kasama sa katapatan sa Diyos ang katapatan sa iba. Kaya ang kautusan ay iniingatan ang mga karapatan, ang pagkatao, ng isang tao. Pinipigilan nito ang mga nakatataas mula sa paniniil, at ang mga nasasakupan mula sa pagsuway. Tinitiyak nila ang ating kabutihan, sa mundong ito pati na rin sa mundong darating. Sa mga sumusunod ay ipinapangako ang buhay na walang-hanggan, sapagkat ipinapahayag nito ang mga prinsipyong magtatagal hanggang sa walang-hanggan. PnL

Dumating si Jesus upang ipakita ang halaga ng makalangit na mga prinsipyo sa pamamagitan ng paghahayag ng kanilang kapangyarihan sa pagbabago ng sangkatauhan. Dumating Siya upang turuan kung paanong pauunlarin at isasakabuhayan ang mga prinsipyo nito. PnL

Para sa mga tao ng panahong iyon, ang halaga ng lahat ng bagay ay itinatakda sa pamamagitan ng panlabas na ipinapakita. Habang humihina ang kapangyarihan ng relihiyon, lumalago naman karangyaan. Ang mga tagapagturo nang panahong iyon ay nagsikap na igalang sila sa pamamagitan ng pagtatanghal at pagpapasikat. Sa lahat ng ito ang buhay ni Jesus ay nagpapakita ng lubhang pagkakaiba. Ang Kanyang buhay ay nagpakita ng kawalang-kabuluhan ng lahat ng mga bagay na inaakala ng iba na mga dakilang pangangailangan ng buhay. Na ipinanganak sa kalagitnaan ng lubhang kasamaan, na nakikibahagi sa tahanan ng mahirap, sa pagkain ng mahirap, sa trabaho ng karpintero, at namumuhay ng isang buhay na hindi kilala. . .—sa gitna ng ganitong mga katayuan at kapaligiran—sinunod ni Jesus ang panukala ng langit tungkol sa edukasyon.— Education , pp. 76, 77. PnL