Pauwi Na Sa Langit
Ang Pagsunod, Isang Kondisyon Para Sa Kaligayahan, Hunyo 3
Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang Aking tinig at tutuparin ang Aking tipan, kayo ay magiging aking sariling pag-aari na higit sa lahat ng bayan; sapagkat ang buong daigdig ay sa Akin. Exodo 19:5. PnL
Ang ating unang mga magulang, bagaman nilikhang walang sala at banal, ay hindi nilikha na walang posibilidad na gumawa ng mali. Nilikha sila ng Diyos na mayroong kakayahang mamili, na may kakayahang pahalagahan ang katalinuhan at kabutihan ng Kanyang karakter at ang katarungan ng Kanyang mga kahilingan, at may lubos na kalayaang isuko o pigilan ang pagsunod. . . . Sa pasimula pa lang ng pagkabuhay ng sangkatauhan isang pampigil ang inilagay para sa pagnanasa ng sariling kalayawan, ang nakamamatay na damdamin na naglagay ng pundasyon para sa pagbagsak ni Satanas. Ang puno ng kaalaman, na nakatayo malapit sa puno ng buhay ay nasa gitna ng hardin, ang naging pagsubok sa pagsunod, pananampalataya, at pag-ibig sa ating mga magulang. Bagaman pinahintulutang kumain nang malaya sa ibang mga puno, sila ay pinagbawalan na tumikim mula dito, dahil mamamatay sila. Sila rin ay ipailalim sa mga tukso ni Satanas, ngunit kapag sila ay nagtiis sa pagsubok, sa huli sila’y ilalagay sa lugar na hindi maaabot ng kanyang kapangyarihan, upang masiyahan sa pabor ng Diyos. PnL
Inilagay ng Diyos ang mga tao sa ilalim ng kautusan, bilang di-maiiwasang kondisyon para sa kanila mismong pagkabuhay. Sila’y nasa ilalim ng gobyerno ng langit, at walang anumang pamahalaang walang kautusan. Maaaring nilikha sila ng Diyos na walang kakayahang suwayin ang Kanyang kautusan, maaari Niyang sawayin ang kamay ni Adan para hawakan ang ipinagbabawal na prutas; ngunit sa ganitong kalagayan ang mga tao ay hindi magkakaroon ng kakayahang pumili, kundi mga tau-tauhan na lang. Na walang kalayaang pumili, ang kanilang pagsunod ay hindi kusang-loob, kundi puwersahan. Wala na ring pag-unlad ng karakter. Ang ganitong kalagayan ay laban sa panukala ng Diyos sa pakikitungo sa mga naninirahan sa ibang sanlibutan. Hindi magiging karapat-dapat sa mga tao na maging mga matatalinong nilalang, at patutunayan ang akusasyon ni Satanas na ang Diyos ay diktador sa Kanyang pamumuno. PnL
Nilikha ng Diyos sina Adan at Eva na matuwid. Binigyan Niya sila ng mga marangal na karakter, na walang pagkiling sa kasamaan. Pinagkalooban Niya sila ng mataas na kapangyarihan ng pag-iisip, at inihayag sa harap nila ang pinakamalakas na panghihikayat na maging matapat sa pakikiisa sa Kanya. Ang pagsunod, sakdal at patuloy, ay isang kondisyon para sa walang katapusang kaligayahan. Sa kondisyong lang na ito, sila makalalapit sa puno ng buhay.— Patriarchs And Prophets , pp. 48, 49. PnL