Pauwi Na Sa Langit

153/364

Ang Sabbath Ang Pagsubok, Hunyo 2

Inyong ingatang banal ang aking mga Sabbath upang ang mga iyon ay maging tanda sa pagitan ko at ninyo, upang inyong malaman na aking Panginoon ang inyong Diyos. Ezekiel 20:20. PnL

Walang sinuman ang daranas ng galit ng Diyos hanggang sa ang katotohanan ay madala sa isipan at sa konsensya, at ito’y tinanggihan. Marami ang hindi pa kailanman nagkaroon ng pagkakataong marinig ang mga espesyal na katotohanan para sa panahong ito. Hindi kailanman naipakita sa kanila ang tunay na liwanag ng obligasyon ng ikaapat na utos. Siyang nakababasa ng bawat puso at sumusubok ng bawat motibo ay walang iiwan sa sinumang may pagnanasang malaman ang katotohanan, na madaya tungkol sa mga isyu ng malaking tunggalian. Ang utos ay hindi dapat na ipilit sa mga tao na hindi nila nalalaman. Ang lahat ay dapat magkaroon ng sapat na liwanag upang sila’y magdesisyon nang may katalinuhan. PnL

Ang Sabbath ang pinakadakilang subukan ng katapatan, sapagkat ito ang katotohanang sadyang pinagtatalunan. Sa panahong ang panghuling pagsubok ay ibinuhos sa sangkatauhan, kung gayon ang linya ng pagkakakilanlan ay ilalagay sa pagitan ng mga naglilingkod sa Diyos at ng mga hindi naglilingkod sa Kanya. Habang ang pangingilin sa huwad na sabbath bilang pagsunod sa batas ng estado, na laban sa ikaapat na utos, ay magiging isang panunumpa para sa pakikiisa sa kapangyarihang laban sa Diyos, ang pangingilin sa tunay na Sabbath, sa pagsunod sa utos ng Diyos, ay isang katunayan ng katapatan sa Manlilikha. Habang ang isang uri, sa pagtanggap ng tanda ng pagpapasakop sa kapangyarihang makalupa, ay tatanggap ng tanda ng hayop, ang isa naman sa pagpili ng tanda ng pakikiisa sa awtoridad ng langit, ay tatanggap ng tatak ng Diyos. PnL

Mula pa noon ang mga nagpahayag ng mga katotohanan ng mensahe ng ikatlong anghel ay madalas na itinuturing na mga iskandaloso. Ang kanilang mga prediksyon na ang paghihigpit sa relihiyon ay magkakaroon ng kontrol sa Estados Unidos, na ang iglesya at ang estado ay magkakaisa para usigin ang mga nag-iingat ng kautusan ng Diyos, ay ipinahayag na walang katotohanan at di-kapani-paniwala. May katiyakang ipinahayag na ang lupang ito kailanman ay hindi magiging iba mula sa dati nitong kalagayan—ang tagapagtanggol ng kalayaan sa relihiyon. Ngunit habang ang usapin tungkol sa pagpapatupad ng pangingilin ng Linggo ay malawakang isinusulsol, ang pangyayaring matagal ng pinagdududahan at di-pinaniniwalaan na nakikitang dumarating na, at ang mensahe ng ikatlong anghel ay magbubunga ng epektong hindi pa nagaganap sa simula pa. PnL

Sa bawat henerasyon ay nagpadala ang Diyos ng Kanyang alipin para sawayin ang kasalanan, sa mundo pati rin sa iglesya. Ngunit gusto ng mga tao ang walang-sagabal na mga bagay na sinasabi sa kanila, at ang dalisay at wastong katotohanan ay hindi tinatanggap.— The Great Controversy , pp. 605, 606. PnL