Pauwi Na Sa Langit

13/364

Isang Muog Laban Sa Tukso, Enero 13

Paano pananatilihing dalisay ng kabataan ang kanilang daan? Sa pamamagitan ng pag-iingat nito ayon sa Iyong salita. Awit 119:9. PnL

Ang buong Biblia ay paghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos kay Cristo. Kapag tinanggap, pinaniwalaan, at sinunod, ito’y isang dakilang instrumento sa pagbabago ng karakter. Ito ang dakilang pampasigla, at ang pumipigil na puwersa, na nagbabago ng pisikal, mental, at espirituwal na mga kapangyarihan, at pumapatnubay sa buhay tungo sa mga tamang daan. PnL

Ang dahilan kung bakit madaling matukso at magkasala ang mga kabataan, kahit na iyong mga nasa tamang edad na, ay dahil hindi nila pinag-aaralan at pinagbubulayan ang salita ng Diyos gaya ng nararapat. Ang kakulangan ng matatag, at natatalagang kapangyarihan ng desisyon, na nakikita sa buhay at karakter, at nagbubunga ng pagkalimot sa banal na tuntunin ng salita ng Diyos. Hindi nila, sa pamamagitan ng taimtim na pagsisikap, itinutuwid ang isipan sa bagay na kung saan pupukaw ng dalisay, at banal na isipan at maglilihis dito mula sa mga bagay na marumi at di-totoo. Kakaunti lang ang pumipili sa mas mabuting panig, na umuupo sa paanan ni Jesus, gaya ng ginawa ni Maria, upang matuto sa banal na Guro. Kakaunti ang nag-iingat ng Kanyang salita sa puso at nagsasagawa nito sa kanilang buhay. PnL

Ang mga katotohanan ng Biblia, na tinanggap, ay mag-aangat sa isipan at kaluluwa. Kung pahahalagahan ang salita ng Diyos na gaya nang nararapat, ang mga kabataan at matatanda ay magkakaroon ng panloob na pagkamatuwid, isang kalakasan ng prinsipyo, na magpapalakas sa kanila para labanan ang tukso. PnL

Ituro natin at isulat ang mga mahahalagang bagay ng Banal na Kasulatan. Hayaan na ang isipan, ang kakayahan, ang matalas na pag-eehersisyo ng kapangyarihan ng isipan, ay gugulin sa pag-aaral ng mga kaisipan ng Diyos. Huwag pag-aralan ang mga kuru-kurong pilosopiya ng tao, kundi pag-aralan ang pilosopiya Niya na siyang katotohanan. Walang ibang panitikan ang maihahambing dito sa kahalagahan. PnL

Ang makamundong isipan ay hindi nasisiyahan sa pagbubulay-bulay ng salita ng Diyos; ngunit para sa isipang binago ng Banal na Espiritu, ang banal na kagandahan at makalangit na liwanag ang magliliwanag sa banal na pahinang ito. Ang mga ilang na tiwangwang para sa makamundong isipan, ay nagiging isang lupain ng batis na buhay para sa espirituwal na isipan. PnL

Ang kaalaman sa Diyos na inihayag sa Kanyang salita ay kaalamang dapat ituro sa ating mga anak. Mula sa pasimula ng bukang-liwayway ng pag-iisip, kailangan silang maging pamilyar sa pangalan at buhay ni Jesus. Ang una nilang liksyon ay dapat na magturo sa kanila na Ama nila ang Diyos.— The Ministry Of Healing, pp. 458-460. PnL