Pauwi Na Sa Langit
Manalangin Na May Biblia Sa Kamay, Mayo 29
Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang anumang dapat ikahiya, na gumagamit nang wasto sa salita ng katotohanan. 2 Timoteo 2:15. PnL
Hayaan na ang lahat na nag-aangkin na naniniwalang si Cristo ay malapit nang dumating, ay saliksikin ang Kasulatan na hindi pa kailanman nagawa dati; sapagkat determinado si Satanas na subukan ang lahat ng posibleng mga paraan upang panatilihin sa kadiliman ang mga kaluluwa, at bulagin ang isipan sa mga panganib ng panahon kung saan tayo nabubuhay. Hayaang kunin ng mga mananampalataya ang kanilang mga Biblia na may taimtim na panalangin, upang sila’y maliwanagan ng Banal na Espiritu sa kung ano ang katotohanan, upang higit pang malaman ang tungkol sa Diyos at kay Jesu-Cristo na Kanyang isinugo. Saliksikin ang katotohanan na tulad sa nakatagong kayamanan, at biguin ang kaaway. Malapit na sa atin ang panahon ng pagsubok, sapagkat nakapagsimula na ang malakas na sigaw ng ikatlong anghel sa paghahayag ng katuwiran ni Cristo, na Siyang nagpapatawad sa kasalanan na Manunubos. Ito ang pasimula ng liwanag ng anghel na sa kanyang kaluwalhatian ay babalutin ang buong lupa. Sapagkat gawain ito ng lahat ng naparatingan ng mensahe ng babala, na itaas si Jesus, na iharap Siya sa mundo ayon sa pagkakahayag sa mga modelo (types), ayon sa naaaninuhan sa mga simbolo, ayon sa ipinakita sa mga paghahayag ng mga propeta, ayon sa ipinakita sa mga liksyong ibinigay sa Kanyang mga alagad at sa mga kahanga-hangang milagrong ginawa para sa mga anak ng mga tao. Saliksikin ninyo ang Kasulatan; sapagkat ang mga ito ang nagpapatunay sa Akin. PnL
Kung nais mong makatayo sa panahon ng pagliliglig, kailangan mong kilalanin si Cristo, at iangkop ang kaloob ng Kanyang katuwiran, na Kanyang ibinibigay sa mga nagsisising makasalanan. Walang kakayahang makagawa ng isang panukala para sa kaligtasan ang karunungan ng tao. Walang halaga ang pilosopiya ng tao, walang saysay ang mga bunga ng pinakamataas na kapangyarihan ng tao, maliban sa dakilang panukala ng makalangit na Guro. Walang kaluwalhatian ang hahantong sa atin; lahat nang tulong ng tao at kaluwalhatian ay nasa alabok; sapagkat ang katotohanang nakay Jesus lamang ang siyang natitirang daan upang tayo’y maligtas. Nagkaroon tayo ng pribilehiyong maugnay kay Cristo, at pinagsama ang Diyos at ang tao; at sa pagsasamang ito lamang nakasalalay ang ating pag-asa; sapagkat sa panahong kinilos ng Espiritu ng Diyos ang kaluluwa ay nakikilos ang mga kapangyarihan ng kaluluwa, at tayo’y nagiging mga bagong nilalang kay Jesu-Cristo. Siya’y nahayag upang magdala ng buhay at imortalidad sa liwanag. Sinasabi Niya, “Ang mga salita na sinabi Ko sa inyo, ang mga ito ay espiritu at buhay.” Ipinahahayag ng Mang-aawit, “Ang paghahayag ng iyong mga salita ay nagbibigay ng kaliwanagan; nagbibigay ng unawa sa walang karunungan.”— Review And Herald, November 2, 1892. PnL