Pauwi Na Sa Langit
Ang Kahalagahan Ng Pampamilyang Pagsamba, Mayo 22
Sapagkat siya'y aking pinili upang kanyang tagubilinan ang kanyang mga anak at sambahayan pagkamatay niya, na maingatan ang daan ng Panginoon sa pamamagitan ng paggawa ng kabanalan at kahatulan. Genesis 18:19. PnL
Mayroon dapat nakapirming panahon ang bawat pamilya para sa pagsamba sa umaga at sa gabi. Anong angkop nga ito na tipunin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa kanila bago mag-umagahan, upang pasalamatan ang makalangit na Ama sa Kanyang proteksyon sa buong gabi, at upang humingi sa Kanya ng tulong at patnubay at pagbabantay na may pag-aalaga sa buong araw! Gaano ngang naaangkop, din, sa tuwing susamapit ang gabi, na muling magtipon ang mga magulang at mga anak sa harap Niya at pasalamatan Siya sa lahat ng mga pagpapala sa araw na lumipas! PnL
Ang pampamilyang pagsamba ay hindi dapat mapamahalaan ng mga pangyayari. Hindi dapat kayo manalangin nang paminsan-minsan at, kapag mayroon kayong malaking gawain sa buong araw, ay kinakalimutan ito. Sa paggawa nito, naihahatid mo ang iyong mga anak na tingnan ang panalangin na walang espesyal na resulta. Ang pananalangin ay napakahalaga sa mga anak ng Diyos, at ang handog ng pasasalamat ay dapat na pumailanglang sa harap ng Diyos sa umaga at sa gabi. Sabi ng Mang-aawit, “O halikayo, tayo’y umawit sa Panginoon; tayo’y sumigaw na may kagalakan sa malaking bato ng ating kaligtasan! Lumapit tayo sa Kanyang harapan na may pagpapasalamat; tayo’y sumigaw na may kagalakan sa kanya ng mga awit ng papuri! (Awit 95:1, 2.) PnL
Mga ama at ina gaano man kayo kaabala sa inyong mga gawain, huwag ninyong kaligtaang tipunin ang inyong pamilya sa harap ng altar ng Diyos. Humiling ng pamamatnubay ng mga anghel sa inyong tahanan. Alalahaning humaharap sa mga tukso ang inyong mga minamahal. PnL
Sa ating pagsisikap para sa kaalwanan at kaligayahan ng ating mga bisita, huwag nating kalimutan ang obligasyon natin sa Diyos. Ang oras ng panalangin ay hindi dapat kalimutan dahil sa ibang konsiderasyon. Huwag mag-usap at masiyahan ang inyong mga sarili hanggang sa ang lahat ay mahina na para masiyahan sa panahon ng debosyon. Ang paggawa nito’y paghahandog sa Diyos ng isang pilay na handog. Sa unang bahagi ng gabi, kapag tayo’y nanalangin na hindi nag-aapura at may pangunawa, dapat nating ihain ang ating mga hinaing at itaas ang ating mga tinig na may kasiyahan at pasasalamat na papuri. PnL
Hayaang makita ng lahat ng bumibisita sa mga Cristiano na ang panahon ng pananalangin ay napakahalaga, napakabanal, at pinakamaligayang oras ng araw. Ang mga oras na ito ng debosyon ay nagbibigay ng dumadalisay at nagtataas na impluwensya sa lahat ng mga sumasama rito. Nagdadala ito ng kapayapaan at kapahingahan sa espiritu.— Child Guidance, pp. 520, 521. PnL