Pauwi Na Sa Langit

141/364

Ano Ang Dapat Nating Ipanalangin? Mayo 21

Hindi tayo marunong manalangin nang nararapat; ngunit ang Espiritu mismo ang namamagitan na may mga daing na hindi maipahayag. Roma 8:26. PnL

Marami ang, bagaman nagsisikap na makasunod sa mga utos ng Diyos, mayroong kaunting kapayapaan o kaya’y kagalakan. Ang pagkukulang ng kanilang karanasan na ito’y bunga ng kabiguang gamitin ang pananampalataya. Naglalakad silang waring nasa isang lupain ng asin, isang tuyong ilang. Kaunti ang kanilang inaangkin, kahit na maaari silang umangkin nang marami; sapagkat walang limitasyon sa mga pangako ng Diyos. Hindi tamang kinakatawanan ng mga ganito ang pagpapakabanal na dumarating sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan. Nais ng Panginoon na maging masaya, mapayapa, at masunurin ang Kanyang mga anak. Sa pamamagitan ng paggamit sa pananampalataya, magkakaroon ang mananampalataya ng ganitong mga pagpapala. Sa pamamagitan ng pananampalataya, maaaring mapunan ang bawat kakulangan ng karakter, malilinis ang bawat karumihan, maitatama ang bawat pagkakamali, at mapauunlad ang bawat kahusayan. PnL

Ang panalangin ay paraan na inordenahan ng langit para sa tagumpay laban sa kasalanan at sa pagpapaunlad ng Cristianong karakter. Ang impluwensya ng Diyos na dumarating bilang katugunan sa panalangin ng pananampalataya ay gaganap sa kaluluwa ng nagmamakaawa sa lahat ng kanyang ipinakikiusap. Para sa kapatawaran ng kasalanan, para sa Banal na Espiritu, para sa pagpipigil na gaya ng kay Cristo, para sa karunungan at lakas na gawin ang Kanyang gawain, para sa alinmang kaloob na Kanyang ipinangako, maaari tayong humingi, at ang pangako ay, “Tatanggapin ninyo.” Doon sa bundok kasama ang Diyos napagmasdan ni Moises ang huwaran ng kahanga-hangang gusaling iyon na siyang magiging tirahan ng Kanyang kaluwalhatian. Doon sa bundok kasama ang Diyos—sa lihim na lugar ng pakikipag-usap—na dapat tayong magbulay-bulay sa Kanyang maluwalhating hangarin para sa sangkatauhan. Sa lahat ng panahon, sa pamamagitan ng paraan ng pakikipag-usap sa langit, naisagawa ng Diyos ang Kanyang layunin para sa Kanyang mga anak, sa pamamagitan ng dahandahang paglalahad sa kanilang mga isipan ng Kanyang mga doktrina ng biyaya. Ang Kanyang paraan ng pagbibigay ng katotohanan ay inilarawan sa mga salitang, “Ang kanyang paglabas ay kasing tiyak ng bukang-liwayway.” (Hoseas 6:3.) Sa lahat na naglalagay ng kanilang sarili sa lugar na kayang bigyan sila ng Diyos ng liwanag, sumulong, na waring, mula sa bahagyang kadiliman ng bukang-liwayway tungo sa lubos na ningning ng katanghaliang tapat. PnL

Ang tunay na pagpapakabanal ay nangangahulugang sakdal na pag-ibig, sakdal na pagsunod, sakdal na pakikiayon sa kalooban ng Diyos. Dapat tayong mapabanal sa Diyos sa pagsunod sa katotohanan. Ang ating konsensya ay dapat na malinis mula sa mga patay na gawain para maglingkod sa buhay na Diyos. Hindi pa tayo sakdal, ngunit pribilehiyo nating putulin ang mga nakasalabid na sarili at kasalanan, at sumulong tungo sa kasakdalan.— The Acts Of The Apostles, pp. 563, 564. PnL