Pauwi Na Sa Langit

143/364

Panalangin Para Sa Maysakit, Mayo 23

Maysakit ba ang sinuman sa inyo? Ipatawag niyang matanda sa iglesya, at kanilang ipanalangin siya, at siya'y pahiran ng langis sa pangalan ng Panginoon. Santiago 5:14. PnL

Marami ang humahanap ng nagpapagaling na awa ng Panginoon na nag-iisip na dapat silang magkaroon ng direkta at agad na sagot sa kanilang mga panalangin o kung hindi ay mahina ang kanilang pananampalataya. Sa dahilang ito, yaong mga pinahina ng sakit ay dapat na matalinong payuhan, upang kumilos silang may pag-iingat. Huwag nilang balewalain ang kanilang katungkulan sa mga kaibigang maiiwan nila, o huwag kalimutang gamitin ang mga ahensya ng kalikasan para sa pagpapanumbalik ng kalusugan. PnL

Madalas na mayroong panganib ng pagkakamali rito. Sa paniniwalang mapagagaling sila bilang tugon sa panalangin, natatakot ang ilan na makagawa ng anumang maaaring magpahiwatig ng kakulangan ng pananampalataya. Ngunit hindi nila dapat kalimutang iayos ang kanilang mga gawain na ayon sa kagustuhan nila kung inaasahan nilang maalis ng kamatayan. At hindi rin sila dapat na matakot na magsalita ng pampalakas ng loob o payo na kung saan sa kanilang oras ng paglisan ay ninanais nilang magsalita sa kanilang mga minamahal sa buhay. PnL

Yaong mga may gustong gumaling sa pamamagitan ng panalangin ay hindi dapat na kalimutang gamitin ang mga ahensyang pampagaling na kanilang magagamit. Hindi ito isang pagtanggi sa pananampalataya na gamitin ang mga gamot na ibinigay ng Diyos para bawasan ang kirot at tulungan ang kalikasan na gawin ang kanyang gawain ng pagpapanumbalik. Hindi kakulangan ng pananampalataya na makiisa sa Diyos, at ilagay ang kanilang mga sarili sa isang kalagayang pinakamabuti para sa pagpapagaling. Inilagay ng Diyos sa ating kapangyarihan na magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga batas ng buhay. Ang karunungang ito’y inilagay sa ating maabot para gamitin. Dapat nating gamitin ang bawat kagamitan ng pagpapanumbalik ng kalusugan, na gamitin ang lahat ng posibleng kabutihan, na gumagawang kaayon ng mga batas ng kalikasan. PnL

Kapag nanalangin tayo para sa kagalingan ng maysakit, makakakilos tayong may mas buong lakas, na may pagpapasalamat sa Diyos na mayroon tayong pribilehiyong makiisa sa Kanya, at humiling ng pagpapalaya Niya sa mga paraan na Kanyang ipinagkaloob. . . . Kapag nanalangin tayo para sa kagalingan ng maysakit, anuman ang magiging kahihinatnan nito, huwag tayong mawalan ng pananampalataya sa Diyos. Kung tinawag tayo para sa pagdadalamhati, hayaang tanggapin natin ang mapait na kopa, at alalahaning kamay ng ama ang nagdala nito sa ating mga labi. Ngunit kapag naibalik ang kalusugan, hindi dapat kalimutang ang tumanggap ng awa ng kagalingan ay napapasailalim ng binagong obligasyon sa Manlilikha.— The Ministry Of Healing, pp. 232-234. PnL