Pauwi Na Sa Langit

140/364

Ang Mga Panalanging Kinasihan Ng Diyos, Mayo 20

Ipaalam mo sa akin ang Iyong mga daan, O Panginoon; ituro mo sa akin ang Iyong mga landas. Awit 25:4. PnL

Ngunit dahil nasa kanila na ang karanasang ito [na maging isang bagong nilalang kay Cristo], hindi na kailangang maghalukipkip ng kanilang mga kamay ang mga Cristiano kung gayon, na makuntento sa mga nagawa para sa kanila. Yaong mga determinadong pumasok sa espirituwal na kaharian ay makasusumpong na ang lahat ng kapangyarihan at silakbo ng di-nabagong likas, na may tulong ng puwersa ng kaharian ng kadiliman, ay nakahanay laban sa kanila. Araw-araw ay dapat silang magpanibago ng kanilang pagtatalaga, araw araw ay dapat silang makipagbaka sa kasamaan. Ang mga dating kaugalian, mga minanang hilig na gumawa nang mali, ay magsisikap na mamuno, at sila’y dapat palaging magbantay laban sa mga ito, na nagsisikap sa lakas ni Cristo para sa pagtatagumpay. . . . PnL

Na itatakwil ang lahat ng bagay na hahadlang sa kanila para lumago tungo sa daang paakyat o magliliko sa mga paa ng isa pa mula sa makitid na landas, ang mga mananampalataya ay maghahayag sa kanilang araw-araw na buhay ng awa, kabaitan, kapakumbabaan, pagtitiyaga, at pag-ibig ni Cristo. PnL

Ang kapangyarihan ng isang mas mataas, mas dalisay, at mas marangal na buhay ang ating pinakakailangan. Masyadong nakatuon ang ating isipan sa mundo, at masyadong kakaunti ang kaharian ng langit. Sa kanilang pagsisikap na marating ang layunin ng Diyos para sa kanila, ang mga Cristiano ay hindi dapat manghina sa anumang bagay. Ang moral at espirituwal na kasakdalan sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan ni Cristo, ay ipinangako sa lahat. Si Jesus ang pinagmumulan ng kapangyarihan, ng bukal ng buhay. Dinadala Niya sa atin ang Kanyang salita, at mula sa puno ng buhay ay iniaabot ang mga dahon para sa paggaling ng maysakitdahil-sa-kasalanan na mga kaluluwa. Pinapatnubayan Niya tayo tungo sa trono ng Diyos, at inilalagay sa ating mga bibig ang isang panalangin na kung saan ay dinadala Niya tayo sa Kanyang sarili. Para sa ating kabutihan, pinakikilos Niya ang mga pinakamakapangyarihang ahensya ng langit. Sa bawat hakbang ay nadarama natin ang Kanyang buhay na kapangyarihan. PnL

Hindi naglalagay ng limitasyon ang Diyos sa pag-unlad ng mga may gustong “punuin ng kaalaman ng Kanyang kalooban sa buong karunungan at pagkaunawang espirituwal.” Sa pananalangin, sa pagbabantay, sa paglago ng kaalaman at pangunawa, sila’y “palalakasin sa buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kanyang kaluwalhatian.” Sa ganito, sila naihanda sa gawain para sa iba. Layunin ng Tagapagligtas para sa mga tao, na dinalisay at pinabanal, na maging Kanyang katulong. Para sa dakilang pribilehiyong ito, magpasalamat tayo sa Kanya, Siyang “ginawa tayong karapat-dapat na makabahagi sa mga mana ng banal sa kaliwanagan; iniligtas Niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng Kanyang minamahal na Anak.”— The Acts Of The Apostles, pp. 476-478. PnL