Pauwi Na Sa Langit

138/364

Mga Pangako At Panalangin, Mayo 18

Gayon Niya ipinagkaloob sa atin ang kanyang mahahalaga at mga dakilang pangako upang sa pamamagitan ng mga ito ay . . . maging kabahagi kayo ng likas ng Diyos. 2 Pedro 1:4. PnL

Kapag nagsumamo tayo sa Diyos na kaawaan tayo sa ating pagdurusa, at patnubayan tayo sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu, hindi Niya kailanman tatalikuran ang ating panalangin. Posible kahit sa mga magulang na talikuran ang kanilang nagugutom na mga anak, ngunit hindi kailanman kayang tanggihan ng Diyos ang daing ng pusong nangangailangan at nag-aasam. Sa gayon ngang kahangahangang kaamuan Niya inilarawan ang Kanyang pag-ibig! Sa mga taong nasa panahon ng kadiliman na nakadaramang hindi sila iniintindi ng Diyos, ito ang mensahe mula sa puso ng Ama: “Ngunit sinabi ng Zion, ‘Pinabayaan ako ng Panginoon, kinalimutan ako ng aking Panginoon.’ “Malilimutan ba ng babae ang kanyang batang pasusuhin, na hindi siya mahahabag sa anak ng kanyang sinapupunan? Oo, ang mga ito’y makakalimot, ngunit hindi kita kalilimutan. Narito inanyuan kita sa mga palad ng mga kamay Ko, ang iyong mga pader ay laging nasa harap ko.” (Isaias 49:14-16.) PnL

Ang bawat pangako sa salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng mga paksa tungkol sa panalangin, na ipinapahayag ang mga salitang pangako ni Yahweh bilang ating katiyakan. Anumang espirituwal na pagpapala ang kailangan natin, pribilehiyo nating angkinin ito sa pamamagitan ni Jesus. Maaari nating sabihin sa Panginoon, na may kasimplihang tulad sa isang bata, kung ano ang eksaktong kailangan natin. Maaari nating sabihin sa Kanya ang mga pansamantalang bagay, at humingi sa Kanya ng tinapay at damit pati na rin ng tinapay ng buhay at damit ng katuwiran ni Cristo. Alam ng iyong Amang nasa langit na kailangan mo ang mga bagay na ito, at inaanyayahan ka Niya na humingi tungkol sa mga bagay na ito. Ang bawat pabor ay natatanggap sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus. . . . PnL

Ngunit huwag kalimutan na sa paglapit sa Diyos bilang isang ama ay kinikilala mo ang iyong relasyon sa Kanya bilang isang anak. Hindi mo lamang pinagtitiwalaan ang Kanyang kabutihan, ngunit sa lahat ng bagay ay nagpapasakop sa Kanyang kalooban, nalalamang hindi nagbabago ang Kanyang pag-ibig. Ibigay mo ang iyong sarili para gawin ang Kanyang gawain. Sa mga inasatan Niyang hanapin muna ang kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran Niya ibinigay ang pangakong, “Humingi, at kayo’y bibigyan.” (Juan 16:24.) PnL

Ang mga kaloob Niyang mayroon ng lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay nakalaan para sa mga anak ng Diyos. Ang mga kaloob na ito’y napakahalaga na dumating ang mga ito sa atin sa pamamagitan ng mahalagang sakripisyo ng dugo ng Manunubos; mga kaloob na magpapalugod sa pinakamalalim na pananabik ng puso, mga kaloob na magtatagal hanggang sa walang hanggan, ay matatanggap at tatamasahin ng lahat na lalapit sa Diyos bilang maliliit na bata. Kunin ang mga pangako ng Diyos bilang sa iyo, makiusap para sa mga ito sa harap Niya ayon sa Kanyang mga salita, at tatanggapin mo ang kapunuan ng kaligayahan.— Thoughts From The Mount Of Blessing, pp. 132-134. PnL