Pauwi Na Sa Langit

137/364

Isakabuhayan Ang Iyong Mga Panalangin, Mayo 17

Mabubuhay sila sa espiritu tulad ng Diyos. 1 Pedro 4:6. PnL

Marami ang may walang buhay na pananampalataya. Ito ang dahilan kung bakit hindi nila higit na nakikita ang kapangyarihan ng Diyos. Ang kanilang kahinaan ay bunga ng kanilang di-pananalig. Higit na mayroon silang pananampalataya sa kanilang sariling gawa kaysa ginawa sa kanila ng Diyos. Kanilang sinasarili ang pag-iingat sa kanilang mga sarili. Nagpaplano at nagbabalangkas sila, ngunit kaunti lang manalangin, at may kakaunting tunay na pagtitiwala sa Diyos. Iniisip nilang mayroon silang pananampalataya, ngunit bugso lang iyon ng pagkakataon. Dahil nabigo silang kilalanin ang kanilang sariling pangangailangan, o ang kahandaan ng Diyos na magkaloob, hindi sila nagtitiyaga sa pag-iingat ng kanilang mga kahilingan sa Panginoon. PnL

Ang ating mga panalangin ay dapat maging taos-puso at matiyaga gaya nang petisyon ng nangangailangang kaibigan na humingi ng tinapay isang hating-gabi. Kapag higit na taos-puso at matiyaga tayong humihingi, mas magiging malapit ang ating espirituwal na pakikiisa kay Cristo. Tatanggap tayo ng nadagdagang pagpapala dahil mayroon tayong nadagdagang pananampalataya. PnL

Ang bahagi natin ay manalangin at manalig. Magbantay sa pananalangin. Magbantay at makiisa sa Diyos na nakikinig ng mga panalangin. Ilagay isip na “tayo ay manggagawang kasama ng Diyos.” (1 Corinto 3:9.) Magsalita at kumilos na kaayon ng iyong mga panalangin. Gagawa ito ng walang hanggang pagkakaiba sa iyo kung mapapatunayan ba ng pagsubok na totoo ang iyong pananampalataya, o maipapakita nitong ang iyong panalangin ay pawang isa lang uri. PnL

Kapag dumating ang kaguluhan, at humarap ang kahirapan, huwag humingi ng tulong sa tao. Magtiwala ka sa Diyos. Ang kaugaliang magsabi ng ating mga kahirapan sa iba ay nagpapahina lang sa atin, at hindi magpapalakas sa kanila. Ipinapasan lang natin sa kanila ang bigat ng ating espirituwal na kahinaan, na hindi nila malulutas. Naghahanap tayo ng lakas mula sa mga nagkakamali at namamatay na tao, na maaari naman tayong magkaroon ng lakas mula sa di-nagkakamali at walang hanggang Diyos. PnL

Hindi mo na kailangang pumunta sa kasuluk-sulukang bahagi ng mundo para sa karunungan, sapagkat malapit lang ang Diyos. Hindi ang mga kakayahang nasa iyo o ang mga maaaring mapasaiyo ang makapagbibigay sa iyo ng tagumpay. Ito’y ang magagawa sa iyo ng Diyos. Kailangang magkaroon tayo ng kaunting pagtitiwala sa magagawa ng lakas ng tao at mas higit na pagtitiwala sa magagawa ng Diyos sa lahat ng naniniwalang kaluluwa. Ninanais Niyang abutin mo Siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Ninanais Niyang umasa ka sa mga dakilang bagay na mula sa Kanya. Gusto Niyang bigyan ka ng pang-unawa sa pansamantala gayundin sa mga espirituwal na bagay. Kaya Niyang patalasin ang iyong pag-iisip. Kaya ka Niyang bigyan ng kahusayang makitungo at kadalubhasaan. Ilagak ang mga talento mo sa gawain, humiling sa Diyos ng karunungan, at ito’y ibibigay iyo.— Christ’s Object Lessons, pp. 145, 146. PnL