Ang Aking Buhay Ngayon

123/275

Agosto — Ang Diyos Ay Gumagawa Sa Pamamagitan Ko

Ginagawa Akong Sakdal ng Diyos sa Bawat Mabuting Gawain, 1 Agosto

Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan na bumuhay mulasa patay sa ating Panginoong jesus, ang dakilang pastol ng mga tupa, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, naway gawin Niya kayong ganap sa bawat mabuting bagay upang magawa ninyo ang Kanyang kalooban, at gawin sa atin ang nakakalugod sa paningin Niya, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na sa Kanya ang kalwoalhatian magpakailanman. Amen. Hebreo 13:20, 21 BN 126.1

Ang relihiyon ni Cristo ay higit pa kaysa pananalita lamang. Ang katuwiran ni Cristo ay binubuo ng tamang pagkilos at mabubuting mga gawa mula sa dalisay at hindi makasariling layunin Dumating si Cristo upang gawin ang kalooban ng Kanyang Ama. Tayo ba ay sumusunod sa Kanyang mga yapak? Ang lahat ng nagtataglay ng pangalan ni Cristo ay dapat laging naghahanap ng higit na malapit na pagkakilala sa Kanya, para sila ay lumakad kung paano Siya lumakad, at gawin ang mga gawain ni Cristo. . . . BN 126.2

Iyong ating ginagawa o hindi ginagawa ang siyang nagtatakdang may napakalaking kapangyarihan kung ano ang ating buhay at tadhana. Hinihingi ng Diyos na samantalahin natin ang bawat pagkakataong ibinibigay sa atin upang maging kapaki-pakinabang. Ang pagbale-wala sa mga ito ay mapanganib sa ating espirituwal na paglago. Mayroon tayong dakilang gawain sa ating harapan. BN 126.3

Kailangan nating gampanan ang mga tungkuling inilalagay ng Panginoon sa ating landas hindi bilang malamig at nakababagot na paggawa, kundi bilang paglilingkod ng pag-ibig. Dalhin mo sa iyong gawain ang pinakamataas mong kapangyarihan at damdamin at makikita mo si Cristo dito. Magiging magaan ang gawain sa pamamagitan ng Kanyang presensya, at ang iyong puso ay mapupuno ng kaligayahan. Gagawa kang kasama ang Diyos at sa katapatan at pag-ibig. Dapat tayong maging mga tunay, masikap na mga Cristianong, gumagawang may katapatan sa gawaing inilagay ng Diyos sa ating mga kamay. BN 126.4

Ang bawat isang nagsisindi ng kanyang kandila mula sa banal na dambana ay pinanghahawakang mabuti ang kanyang ilawan. Hindi siya gumagamit ng pangkaraniwang apoy sa kanyang insensaryo, ngunitangbanal naapoy ay pinapanatiling nagbabaga sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos sa araw at gabi. Silang lumalakad sa mga yapak ni Jesus, na magsusuko ng kanilang mga buhay sa Kanyang patnubay at sa Kanyang paglilingkod ay nagtataglay ng ginintuang langis sa kanilang mga sisidlan na kasama sa kanilang ilawan. Hindi sila mailalagay sa lugar na hindi nakapaglaan ang Diyos. Ang ilawan ng buhay ay palaging pinagniningas ng kamay na nagsindi dito. BN 126.5