Ang Aking Buhay Ngayon

122/275

Makisama sa Kanilang Umiibig sa Diyos, 31 Hulyo

Ako'y kasama ng lahat na natatakot sa lyo, at ng mga tumutupad ng mga tuntunin mo. Awit 119:63 BN 125.1

Magkakaroon ng tiyak na pagkakaiba sa pagitan ng mga samahan ng mga tagasunod ni Cristo para sa Cristianong paglilibang at sa mga makamundong pagtitipon para sa kalayawan at kaaliwan. Imbes na panalangin at ang pagbanggit kay Cristo at sa mga banal na bagay, maririnig mula sa mga labi ng makasanlibutan ang hangal na tawanan at walang kabuluhang mga pag-uusap. Ang tanging iniisip nila ay magkaroon ng masayang panahon. Ang kanilang mga aliwan ay nagsisimula sa waJang kabuluhan at nagwawakas sa pagmamataas. Nagnanais tayong ang ating mga pagtitipon ay maisagawa at tayo ay kumilos dito na sa ating pag-uwi sa ating mga tahanan ay maaari tayong magkaroon ng konsyensyang hindi nakasakit sa Diyos at sa kapwa; isang pag-iisip na hindi tayo nakasugat sa anumang pamamaraan sa ating nakasama o nagkaroon man ng nakasisirang impluwensya sa kanila. BN 125.2

Tayo ay kasama roon sa naniniwalang ating pribilehiyo sa bawat araw ng ating buhay ang luwalhatiin ang Diyos dito sa lupa; na tayo ay hindi dapat mamuhay sa sanlibutan para lamang sa sarili nating kaaliwan o para pasayahin lamang ang ating mga sarili. Tayo ay naririto para maging kapakinabangan sa sangkatauhan at maging pagpapala sa Iipunan. BN 125.3

Silang totoong nagmamahal sa Diyos ay hindi pagsisikapang makaanib sa samahan nilang hindi nagmamahal kay Jesus. Matatagpuan nilang ang samahan at usapang Cristiano ay siyang pagkain ng kanilang kaluluwa, na sa samahan nilang nagmamahal sa Diyos nalalanghap nila ang hininga ng kalangitan. Ang mga Cristiano ay dapat magpakita ng pag-ibig at pakikiramay sa isa't isa. Ang pagpapalakas ng loob na ibinibigay sa isa't isa, ang paggalang na ipinapakita, ang mga pagtulong, pagtuturo, pagsaway, pagbibigay ng babala, ang payong Cristiano na dapat matagpuan sa mga tagasunod ni Cristo ay maknapagpapatibay sa kanila sa espirituwal na kabuhayan. Ang samahang Cristiano ay sang-ayon sa panukala ng Diyos. . . . Magkakaroon sila ng magiliw na paglingap sa lahat ng katulad nilang may mahalagang pananampalataya, at lalapit sa kanila na nagmamahal sa Diyos. Magkakaroon ng samahang hindi pa nakikilala ng sanlibutan. BN 125.4