Ang Aking Buhay Ngayon

119/275

Ibinibigay sa Atin ng Diyos ang Mabuti, 28 Hulyo

Sapagkat ang tao na kinalulugdan ng Diyos ay binibigyan Niya ng karunungan, kaalaman at kagalakan. Edesiastes 2:26 BN 122.1

Ang kabataan ay hindi maaaring gawing kasing tahimik at seryoso ng mga matatanda, ang bata na katulad ng mga ninuno. Samantalang kinukondena ang mga makasalanang kaaliwan, . . .sa halip ay maglaan kayo para sa kanila ng inosenteng libangang hindi makadudungis o makasisira sa moralidad. BN 122.2

May pagkakaiba sa pagitan ng paglilibang at aliwan. Ang tunay na paglilibang ay patungo sa pagpapalakas at pagbuo. Tinatawag tayo nito mula sa pangkaraniwang kaabalahan at gawain. Ito ay nagdudulot ng pagpapanariwa para sa isip at katawan, kaya tayo ay ibinabalik na may bagong kasiglahan sa matapat na gawain ng buhay. Sa kabilang banda, ang aliwan ay hinahanap para lamang sa layaw at ito ay madalas na humahantong sa kalabisan. Kinukuha nito ang kalakasang kinakailangan para sa gawaing kapakipakinabang, at nagsisilbing hadlang sa tunay na tagumpay ng buhay. BN 122.3

Samantalang iniiwasan natin ang bulaan at artipisyal. . .kailangan nating magbigay ng pagmumulan ng kasiyahang dalisay at marangal at nakabubuti. BN 122.4

Ang ating mga kapistahan ay hindi dapat gugulin sang-ayon sa kaayusan ng sanlibutan, ngunit hindi naman sila dapat palipasing hindi napapansin Sa mga araw na ito. . .maghanap ka ng maipapalit sa mga mapanganib na kaaliwan. BN 122.5

Walang libangang hihigit pang magiging pagpapala sa mga bata at mga kabataan kaysa mga naghahanda sa kanilang makatulong sa kapwa. BN 122.6

Hindi ba makabubuti para sa ating gugulin ang mga kapistahan para sa Diyos, kung kailan mabubuhay natin sa ating mga kaisipan ang alaala ng Kanyang pakikitungo sa atin? BN 122.7

Ang sanlibutan ay maraming kapistahan, at ang mga tao ay nalululong sa mga palaro, karera ng kabayo, pagsusugal, paninigarilyo, at kalasingan. Malinaw nilang ipinakikita kung sa ilalim ng kaninong watawat sila tumatayo. . . . Hindi ba dapat na ang bayan ng Diyos ay higit na mas madalas na magdaos ng mga banal na pagtitipon para magpasalamat sa Diyos para sa Kanyang mayayamang biyaya? BN 122.8