Ang Aking Buhay Ngayon

120/275

Lumakad sa Daan ng mga Mabubuting Tao, 29 Hulyo

Kaya't ang lakad ng mabubuting tao ang iyong lakaran, at ang mga landas ng matuwid ang iyong pakaingatan. Kawikaan 2:20 BN 123.1

May mga pamamaraan ng paglilibang na may malaking kapakinabangan para sa isip at katawan. Ang isip na naliwanagan at maingat ay makahahanap ng maraming paraan ng paglilibang at dibersyon mula sa mapagkukunan na hindi Iamang inosente kundi nakapagtuturo pa. Ang paglilibang sa labasan, ang pagninilay-nilay sa mga gawa ng Diyos sa kalikasan ay magsisilbing pinakamataas na kapakinabangan. BN 123.2

Habang nagsisikap tayong mapanariwa ang ating mga espiritu at palakasin ang ating mga pangangatawan, hinihilingan tayo ng Diyos na gamitin ang ating kapangyarihan sa lahat ng pagkakataon para sa pinakamabuting layunin. Maaari tayong magsama-sama gaya ng ating ginagawa ngayon, [Mula sa pananalitang ibinigay sa pagtitipong panlibangan sa labas sa Goguac Lake, Michigan] at gawin ang lahat para sa kaluwaihatian ng Diyos. Dapat na isagawa natin ang ating mga paglilibang sa kaparaanang tayo ay mahahanda para sa higit na matagumpay na pagsasagawa ng ating mga tungkulin at para ang ating impluwensya ay maging higit na kapaki-pakinabang sa kanilang nakakasama natin. Higit itong mahalaga sa ganitong pagkakataong dapat na ikatuwa nating lahat. Maaari tayong magbalik sa ating mga tahanan na napabuti sa pag-iisip at napanariwa sa pangangatawan, at nakahandang muling gumawang may mas mabuting pag-asa at lakas ng loob. BN 123.3

Naniniwala tayong ito ay ating pribilehiyo na sa bawat araw ng ating buhay dito sa lupa ay magbigay kaluwalhatian sa Diyos. Hindi dapat tayo mabuhay para lamang sa pansariling kaaliwan para paluguran lamang ang ating mga sarili. Naririto tayo para sa kapakinabangan ng buong sangkatauhan, para maging pagpapala sa lipunan. . . . BN 123.4

Dito ay nakikita natin ang kagandahan ng kalikasan. . . . Habang tinitingnan natin ang mga gawa ng kalikasan, hayaang ang kaisipan ay madala papataas tungo sa likas ng Diyos; hayaang ito ay maiangat sa Manlilikha ng sansinukob, at sambahin ang Maylalang na gumawa sa lahat ng magagandang mga bagay na ito para sa ating kapakinabangan at kaligayahan. BN 123.5

Dapat nating tanggapin ang mga panahon ng kapahingahan, panahon ng paglilibang, at panahon ng pagninilay-nilay. BN 123.6