Ang Aking Buhay Ngayon
Ang Paglilibang Ay Nagpapanariwa at Nagbibigay Kalakasan, 26 Hulyo
lyong ipinakita sa akin ang landas ng buhay: sa lyong harapan ay may kapuspusan ng kagalakan; sa lyong kanang kamay ay mga kasayahan magpakailanman. Awit 16:11 BN 120.1
Pribilehiyo at tungkulin ng mga Cristiano na panariwain ang kanilang mga espiritu at palakasin ang mga pangangatawan sa pamamagitan ng inosenteng paglilibang, na naglalayong magamit ang kanilang mga kapangyarihang pisikal at mental para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang ating paglilibang ay hindi nararapat na maging mga eksena ng walang kabuluhang kabaliwang nag-aanyong kalokohan. Maaari natin itong maisagawa sa pamamaraang magiging kapakinabangan at magtataas sa kanilang pinakikisamahan natin at pagmamarapatin tayong magampanang mas mabuti ang mga tungkuling nakaatang sa atin bilang mga Cristiano. . . . Ang relihiyon ni Cristo ay may masaya at nakapagpapabuting impluwensya. Ito ay higit na mataas kaysa hangal na pagbibiro at pagpapatawa at gayundin sa walang kabuluhang pag-uusapan. Sa buong panahon ng ating paglilibang maaari tayong magtipon mula sa Banal na Pinagmumulan ng kalakasan, panibagong katapangan at kapangyarihan para higit na mabuti nating maiangat ang ating mga buhay patungo sa kadalisayan, tunay na kabutihan, at kabanalan. BN 120.2
May mga taong nagtataglay ng mga kaisipang may karamdaman, na para sa kanila ang relihiyon ay malupitna pinunong pinaghaharian sila gamit ang pamalong bakal. Ang mga ito ay laging nalulumbay sa kanilang kasiraan at umaangal sa bawat naiisip na kamaliang ginagawa sa kanila. Ang pag-ibig ay hindi nananahan sa kanilang mga puso. Ang kanilang mga noo ay laging nakakunot. Sila ay nahihintakutan sa inosenteng pagtawa mula sa kabataan o kaninuman. Itinuturing nila ang lahat ng paglilibang o aliwan bilang kasalanan at iniisip nilang ang utak ay dapat palaging nasa mahigpit at mabalasik na kalagayan. Ito ay isang kalabisan. Ang iba naman ay palaging nag-iisip ng mga bagong kaaliwan at pampalipas oras para makamit ang kalusugan. Sila ay nagtitiwala sa katuwaan at hindi mapalagay kung wala nito. Ang mga ganito ay hindi tunay na mga Cristiano. Sila ay nagtutungo sa isa pang kalabisan. Ang tunay na prinsipyo ng Cristianismo ay nagbubukas para sa lahat ng pinagmumulan ng kaligayahan na may taas at lalim, haba at kalaparan na hindi kayang sukatin. BN 120.3