Ang Aking Buhay Ngayon
Sina Jonathan at David, 25 Hulyo
Paano nabuwal ang magigiting sa gitna ng labanan! Si Jonathan ay patay na nakabulagta sa iyong matataas na dako. Ako'y namamanglaw dahil sa iyo, kapatid kong Jonathan; ikaw ay naging kalugud-lugod sa akin; ang iyong pagmamahal sa akin ay kahanga-hanga, higit pa sa pagmamahal ng mga babae. 2 Samuel 1:25, 26 BN 119.1
Ang pagkakaibigan nina Jonathan at David ay. . .mula sa pangangalaga ng Diyos, para maingatan ang buhay ng hinaharap na hari ng Israel. BN 119.2
Sa panahong ito, kung kailan napakakakaunti ng maliwanag na lugar sa landas ni David, nagagalak siyang makatanggap ng hindi inaasahang pagdalaw mula kay Jonathan na natunton ang lugar ng kanyang kanlungan. Napakahalaga ng mga sandaling ginugol ng magkaibigan sa piling ng isa't isa. Isiniwalat nila ang iba't iba nilang mga karanasan, at pinalakas ni Jonathan ang puso ni David, na nagsasabing, “Huwag kang matakot, sapagkat hindi ka malalapatan ng kamay ni Saul na aking ama. Ikaw ay magiging hari sa Israel at ako'y magiging pangalawa mo. Nalalaman din ito ni Saul na aking ama.” Habang sila'y nag-uusap tungkol sa kabutihan ng Diyos kay David, napalakas ang loob ng hinahabol na pugante. “Silang dalawa ay nagtipanan sa harap ng Panginoon; si David ay nanatili sa Hores at si Jonathan ay umuwi sa kanyang bahay.” BN 119.3
Pagkatapos ng pagdalaw ni Jonathan, pinatibay ni David ang kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng mga awit ng papuri, na sinasamahan ang kanyang tinig ng tugtog ng kanyang alpa. BN 119.4
Si Jonathan ay tagapagmana ng kaharian sa pamamagitan ng pagkapanganak, bagaman nalaman niyang siya ay isinantabi ng kalooban ng Diyos; siya sa kanyang karibal ay naging pinakamagiliw at pinakamatapat sa lahat ng kaibigan, inilagay niya ang kanyang sarili sa panganib para lamang maprotektahan ang buhay ni David; naging taimtim sa tabi ng kanyang ama maging sa madidilim na araw ng pagbagsak ng kanyang kapangyarihan, at nanatili rin sa tabi ng niya hanggang kamatayan. Ang pangalan ni Jonathan ay pinahahalagahan sa kalangitan, at ito ay tumatayo sa sanlibutan bilang isang patotoo sa pag-iral at sa kapangyarihan ng hindi makasariling pag-ibig. BN 119.5
Kapag tayo ay nakaugnay kay Cristo, tayo rin ay nakaugnay sa ating kapwa sa pamamagitan ng mga ginintuang tanikala ng pag-ibig. BN 119.6