Ang Aking Buhay Ngayon

10/275

Ang Paghipo ng Pananampalataya, 9 Enero

Kay siya nag-ingon sa iyang kaugalingon, “Kon makahikap lang ako sa iyang sapot, mamaayo gayud ako.” Ug si ]esus miliso, ug sa iyang pagkakita kaniya, miingon, “Pagkalipay, anak; ang imong pagsalig nakapaayo kanimo,” Ug ang babaye naayo dihadiha. Mateo 9:21, 22 BN 13.1

Ang magsalita tungkol sa mga bagay na relihiyoso sa pangkaraniwang paraan, ang manalangin para sa mga espirituwal na biyayang walang taglay na totoong pagkagutom ng kaluluwa at nabubuhay na pananampalataya ay halos walang kabuluhan. Ang humahangang mga taong nagsisiksikan para makalapit kay Cristo ay hindi nagkaroon ng mahalagang kapangyarihan mula sa pagkakadiit kay Cristo. Ngunit nang ang aba at nagdurusang babae sa kanyang malaking pangangailangan ay nag-unat ng kanyang kamay at hinawakan ang laylayan ng kasuotan ni Jesus, naramdaman niya ang nagpapagaling na kapangyarihan. Ang sa kanya ay paghipo ng pananampalataya. Nakilala ni Cristo ang hipong iyon at nagpasiya Siyang magbigay ng aral para sa lahat ng mga tagasimod Niya hanggang sa wakas ng kapanahunan. BN 13.2

Alam Niyang may kapangyarihang lumabas mula sa Kanya, at sa pagbaling sa karamihan ay sinabi Niyang, “Sino ang humipo sa aking damit?” Nagulat sa gayong katanungan, sumagot ang Kanyang mga alagad, “Nakikita Mong sinisiksik ka ng karamihan, at sinasabi Mong, “Sino ang humipo sa Akin?’” BN 13.3

Tinitigan ni Jesus ang babaing gumawa nito. Siya'y napuno ng pangamba. Napakalaking katuwaan ang nasa kanya; ngunit lumagpas ba siya sa nararapat? Batid ang nangyari sa kanya, lumapit siyang nanginginig, at nagpatirapa sa Kanyang harapan, at inamin sa Kanya ang katotohanan. Hindi siya sinisi ni Cristo. Malumanay Niyang sinabing, “Umalis kang payapa, at gumaling ka sa sakit mo.” BN 13.4

Dito nakilala ang pangkaraniwang hipo mula sa hipo ng pananampalataya. Ang panalangin at pangangaral, na walang paggamit ng buhay na pananampalataya sa Diyos, ay walang kabuluhan. Ngunit ang hipo ng pananampalataya ay nagbubukas sa atin ng banal na kayamanan ng tahanan ng kapangyarihan at karunimgan; kaya't sa pamamagitan ng mga instrumentong gawa sa luwad, ginagawa ng Diyos ang kamanghaan ng Kanyang biyaya. BN 13.5

Ang ganitong buhay na pananampalataya ang pinakakailangan natin ngayon. Dapat nating malamag tunay ngang si Jesus ay nasa atin; na ang Kanyang Espiritu ay dumadalisay at lumilinis ng ating mga puso. Kimg ang mga tagasunod ni Cristo ay may tunay na pananampalataya, na may kaamuhan at pag-ibig, anong dakilang gawain nga ang kanilang magagampanan! Anong bunga ang makikita para sa kaluwalhatian ng Diyos! BN 13.6