Ang Aking Buhay Ngayon
Walang Pag-aalinlangan, 8 Enero
Inabot kaagad ni ]esus ang kamay niya at hinawakan siya, na sinasabi sa kanya, “O ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?” Mateo 14:31 BN 12.1
Ang buhay ay hindi palaging masaya at maalwan. Inaaabutan tayo ng pagsubok at kabiguan; dumarating ang kasalatan; nadadala tayo sa mahirap na mga kalagayan. Nababagabag ng konsyensya, idinadahilan nating tayo ay napalayo sa Diyos, na kunglumakad lamang tayo kasama Siya, hindi na sana tayo nagdusa nang ganito. Ang ating mga puso ay napupuno ng pag-aalinlangan at kawalang pag-asa, at sinasabi nating binigo tayo ng Panginoon at tayo ay ginamit lamang. Bakit Niya tayo pinahintulutang magdusa nang ganito? Marahil ay hindi Niya tayo kayang mahalin; dahil kung gayon, tatanggalin Niya ang mga pagdurusa sa ating daan.... BN 12.2
Hindi Niya tayo laging dinadala sa mabubuting mga lugar. Kung ginawa Niya ito, sa ating’pagtitiwala sa ating sarili ay makalilimutan nating Siya ang Tagapagbigay ng tulong sa atin. Gusto Niyang ipahayag ang Kanyang sarili sa atin, at ipakita ang mayamang mga pagpapalang puwede nating tanggapin, at pinahihintulutan Niya ang pagsubok at kabiguang dumating upang mapagtanto natin ang ating kawalan, at matutong tumawag sa Kanya para humingi ng tulong. Kaya Niyang paa gusin ang malalamig na tubig mula sa magaspang na batuhan. BN 12.3
Malibang makaharap na natin nang mukhaan ang Diyos, kapag tayo ay nakikita gaya nang pagkakakita sa atin at nakilala gaya ng pagkakakilala sa atin, hindi natin malalaman kung gaano karaming pasan ang Kanyang dinala at gusto sana Niyang dalhin para sa atin, kung ibibigay lamang natin ang mga ito sa Kanya nang may pananampalatayang gaya ng sa isang bata.... BN 12.4
Ang pag-ibig ng Diyos ay nahahayag sa lahat ng Kanyang pakikitungo sa Kanyang bayan; at dapat natin makita nang may malinaw, at hindi nalalambungang mata, ang liwanag ng Kanyang kaluwalhatian sa mukha ni Cristo at magtiwala sa Kanyang paggabay sa kabila ng kagipitan, pagkakasakit, pagkabigo, at pagsubok. Subalit madalas na ating pinalulungkot ang Kanyang puso sa pamamagitan ng ating kawalan ng pananampalataya.... BN 12.5
Iniibig ng Diyos ang Kanyang mga anak, at ninanais Niyang makita silang nananagumpay sa panghihina ng kaloobang gagamitin ni Satanas upang sila ay gapiin. Huwag bigyang-daan ang kawalan ng pananampalataya. Huwag palakihin ang mga kahirapan. Alalahanin ang pag-ibig at kapangyarihan na ipinakita ng Diyos sa mga nakalipas na panahon. BN 12.6