Ang Aking Buhay Ngayon

8/275

Kaisa ng Diyos sa Pamamagitan ng Pananampalataya, 7 Enero

Upang silang lahat ay maging isa. Gaya mo, Ama, na nasa akin at ako'y sa iyo, sana sila'y manatili sa atin, upang ang sanlibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo. ]uan 17:21 BN 11.1

Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga.” Makapag-iisip pa ba tayo ng isa pang may mas malapit na kaugnayan kay Cristo kaysa dito? Ang mga hibla ng sanga ay halos katulad nang nasa puno ng ubas. Ang daanan ng buhay, kalakasan, at pagiging mabungang nagmumula sa puno tungo sa mga sanga ay walang harang at nagpapatuloy. Ipinapadala ng ugat ang sustansya nito sa pamamagitan ng sanga. Ganito ang relasyon ng tunay na mananampalataya kay Cristo. Siya ay nananahan kay Cristo, at kinukuha ang kanyang kandili mula sa Kanya. BN 11.2

Ang espirituwal na relasyong ito ay maitatatag lamang sa pamamagitan ng pagsasanay ng personal na pananampalataya. Ang pananampalatayang ito ay kailangang magpahayag sa ganang atin r. sukdulang pagpili, sakdal na pananalig, buong-pusong pagtatalaga. BN 11.3

Ang ating kalooban ay kailangang buong-buong maisuko sa banal na kalooban; ang ating mga damdamin, mga naisin, mga interes karangalan, na sa kasaganaan ng kaharian ni Cristo at karangalan ng Kanyang gawain, patuloy tayong tumatanggap ng biyaya mula sa Kanya at tumatanggap si Cristo ng pasasalamat mula sa atin. BN 11.4

Kapag nabuo ang matalik na koneksyon at pagniniig, ang ating mga kasalanan ay nailalagak kay Cristo, ang Kanyang katuwiran ay ibibilang sa atin. Siya'y ginawang kasalanan para sa atin, upang tayo'y maging katuwiran ng Diyos sa Kanya. Mayroon tayong daan sa Diyos sa pamamagitan Niya; tinatanggap tayo sa pamamagitan ng Minamahal. Sinumang makasakit sa mananampalataya sa pamamagitan ng salita o gawa ay nakasasakit kay Jesus. Sinumang magbigay ng isang tasa ng malamig na tubig dahil siya'y isang alagad ng Diyos ay ituturing ni Cristo na nagbigay sa Kanya. BN 11.5

Ibinigay ni Cristo ang magandang sagisag ng Kanyang relasyon sa mga mananampalataya nang malapit na Niyang iwan ang Kanyang mga alagad.... Ang pagiging kaisa kay Cristo sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya ay walang maliw; ang lahat ng iba pang ugnayan ay tiyak na maglalaho.... Ang tunay na mananampalataya ay pinipili si Cristo bilang una at huli, at pinakamabuti sa lahat ng bagay. BN 11.6