Ang Aking Buhay Ngayon
Posible ang Lahat ng mga Bagay, 5 Enero
Ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari sa kanya na nananampalataya. Marcos 9:23 BN 9.1
Ang pananampalataya ang nag-uugnay sa atin sa langit, at nagbibigay ng kalakasan para makayanan natin ang kapangyarihan ng kadiliman. Kay Cristo, ibinigay ng Diyos ang mga paraan para masupil ang bawat masamang katangian, at malabanan ang bawat tukso, gaanuman ito kalakas. BN 9.2
Ang matuwid ay palaging nakakukuha ng tulong mula sa itaas. Gaano kadalas ng pinagsama ng mga kaaway ng Diyos ang kanilang lakas at katalinuhan upang sirain ang karakter at impluwensya ng iilang ordinaryong mga taong nagtiwala sa Diyos. Ngunit dahil ang Panginoon ay nasa kanilang panig, walang makapapanaig laban sa kanila.... Kung sila'y hihiwalay mula sa mga diyus-diyosan at mula sa mundo, sila'y hindi maihihiwalay ng mundo mula sa Diyos. Si Cristo ang ating kasalukuyan at palaging sumasapat na Tagapagligtas. Sa Kanya nananahan ang lahat ng kapunuan. Pribilehiyo ng bawat Cristianong tunay ngang matiyak na si Cristo ay nasa kanila. “Ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya.” Lahat ng bagay ay posible sa kanyang nananampalataya; at anumang bagay na ating naisin kapag tayo'y nanalangin, kung naniniwala tayong matatanggap natin ay matatanggap natin. Ang pananampalatayang ito'y tatagos sa pinakamadilim na ulap at magdadala ng mga sinag ng liwanap at pag-asa sa nanghihina at nanlulumong kaluluwa. Ang kawalan ng ganitong pananampalataya at pagtitiwala ang siyang nagdaudulot n pagkabalisa, mga pangamba at kaisipang masasama. Ang Diyos ay gagawa ng mga dakilang bagay para sa Kanyang bayan kung kanil ilalagak ang kanilang buong pagtitiwala sa Kanya. BN 9.3
Sa pamamagitan ng pananampalataya ang mga anak ng Diyos ay “lumupig sa mga kahariari, naglapat ng katuwiran, nagtamo ng mga pangako, nagpatikom ng bibig ng mga leon, pumatay ng bisa ng apoy, tumakas sa mga talim ng tabak, lumakas mula sa kahinaan, naging makapangyarihan sa digmaan, nagpaurong ng mga hukbong dayuhan.” At sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo rin ngayon ay makaaaabot sa rurok ng layunin ng Diyos para sa atin. BN 9.4