Ang Aking Buhay Ngayon

47/275

Pag-ibig, 15 Pebrero

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kagandahang-loob, kabutihan, katapatan, kaamuan, at pagpipigil sa sarili. Laban sa mga ito ay walang kautusan. Galacia 5:22, 23 BN 50.1

Sa lahat ng mananampalataya Siya ay gaya ng punungkahoy ng buhay sa Paraiso ng Diyos. Ang mga sanga nito ay umaabot sa sanlibutan upang ang mga biyayang Kanyang nabili para sa atin ay maging abot-kamay natin Ibinigay Niya sa atin ang isang Mangaaliw, ang Banal na Espiritu, na magbibigay sa atin ng napakahalagangbunga mula sa punungkahoy ng buhay. Mula sa punong ito maaari tayong pumitas at kumain, at maaari din nating ituro ang iba patungo rito upang sila rin ay kumain. BN 50.2

Ang taong umiibig sa Diyos ay nagninilay-nilay sa kautusan ng Diyos araw at gabi. Siya'y handa sa lahat ng kapanahunan. Taglay niya ang bunga ng isang sangang nakaugnay sa Puno. Habang siya'y may pagkakataon, gumagawa siya ng mabuti; at kahit saan, sa lahat ng oras, at sa lahat ng lugar, nakahahanap siya ng pagkakataon upang maglingkod sa Diyos. Siya'y isa sa mga palaging luntiang puno ng Panginoon; at taglay niya ang samyo saanman siya maparoon. May isang napakabuting impluwensya na bumabalot sa kanyang kaluluwa. Ang kagandahan ng kanyang maayos na buhay at makadiyos na pananalita ay nagbibigay-sigla sa pananampalataya at pag-asa at lakas ng loob sa iba. Ito ay Cristianismo sa gawa. Magsikap na maging palaging luntiang punungkahoy. Isuot mo ang mamahaling palamuti ng maamo at tahimik na espiritung nasa ilalim ng paningin ng Diyos. Pahalagahan ang biyaya ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, at kaamuan. Ito ang bunga ng punungkahoy na Cristiano. Nakatanim sa tabi ng mga tubigan, ito'y laging namumunga sa tamang panahon. BN 50.3

Kung nasa atin ang pag-ibig ni Cristo, magiging natural na kalalabasan na tayo'y magkakaroon ng lahat ng iba pang mga biyaya—kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kaamuan, kabutihang-Ioob, pagpapakumbaba, pagpipigil sa sarili Kapag ang pag-ibig ni Cristo ay nasa puso,.. .mararamdaman ang Kanyang presensya. BN 50.4