Ang Aking Buhay Ngayon
Upang Magtaas ng Pamantayan Laban sa Kaaway, 13 Pebrero
Sapagkat siya'y darating na parang bugso ng tubig na itinataboy ng hininga ng PANGINOON. Isaias 59:19 BN 48.1
Ibinibigay ng Jesus ang Banal na Espiritu para sa mga agarang pangangailangan upang tumulong sa ating kahinaan at magbigay ng matibay na kaaliwan. BN 48.2
Sila na patuloy na natututo sa paaralan ni Cristo ay masusundan ang patag na landas at ang mga pagsisikap ni Satanas na pabagsakin sila ay magagapi. Ang pagkatukso ay hindi kasalanan. Si Jesus ay banal at dalisay ngunit Siya'y tinukso sa lahat ng paraan na gaya natin. Ngunit ang Kanyang dinanas na tukso ay may lakas na hindi kailanman mararanasan ng sinuman. Sa Kanyang matagumpay na pakikipagpunyagi ay nag-iwan Siya sa atin ng isang maliwanag na halimbawang maaari nating sundan. Kung tayo'y magtitiwala sa sarili at magkakaroon ng sariling katuwiran tayo'y babagsak sa tukso; ngunit kung tayo'y titingin kay Jesus at magtitiwala sa Kanya tinatawag natin ang tulong ng isang kapangyarihang gumapi sa kaaway sa labanan, at sa bawat tukso ay makagagawa Siya ng paraan ng pagtakas natin. Kapag si Satanas ay dumating na parang isang baha, kailangang salubungin natin ang kanyang panunukso ng tabak ng Espiritu, at si Jesus ang magiging katulong natin at ang magtataas ng isang pamantayan laban sa kanya. BN 48.3
Ang Banal na Espiritu ay ipinangako sa kanilang nakikipagpunyagi upang manaig, sa pagpapahayag ng lahat ng kapangyarihan, binibigyan ang tao ng lakas galing sa itaas at maturuan ang mga walang alam tungkol sa mga hiwaga ng kaharian ng Diyos. Kahanga-hangang pangako na ang Banal na Espiritu ay magiging dakilang katulong natin.... Ang Espiritung ipinagkaloob ay nagbigay ng lakas sa mga alagad at mga apostol upang sila'y maninidigan nang matibay laban sa bawat uri ng pagsamba sa diyusdiyosan at makapagbigay kaluwalhatian sa Panginoon at sa Kanya lang. BN 48.4
Sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu Siya'y nasa lahat ng lugar. Sa pamamagitan ng paggawa ng kanyang Espiritu at ng Kanyang mga anghel Siya'y tumutulong sa mga anak ng tao. BN 48.5