Ang Aking Buhay Ngayon

44/275

Upang Bigyan Ako ng Kapangyarihan Mula sa Itaas, 12 Pebrero

Ngunit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo; at kayo'y magiging mga saksi Ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa. Gawa 1:8 BN 47.1

Ang Banal na Espiritu ay bababa doon sa mga umiibig kay Cristo. Sa pamamagitan Niya tayo ay mahahandang tumanggap ng bawat kinakailangang kaloob upang maganap ang kanilang misyon sa ikaluluwalhati ng kanilang banal na Pinimo. Hawak-hawak ng Tagapagbigay ng Buhay sa Kanyang kamay hindi lang ang mga susi ng kamatayan kundi ang buong kalangitan ng mga mayayamang pagpapala. Ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa ay ibinigay sa Kanya, at sa pagkaluklok sa Kanyang trono sa kalangitan, maaari Niyang ibigay ang mga biyayang ito sa lahat ng tumatanggap sa Kanya. Ang iglesia ay nabautismuhan ng kapangyarihan ng Espiritu. Ang mga alagad ay naihanda upang sila ay humayo at itanghal si Cristo, una'y sa Jerusalem kimg saan ang nakahihiyang gawain ng pag-alipusta sa karapatdapat na Hari ay naganap, at hanggang sa mga dulo ng sanlibutan. Nabigay ang patunay ng pagkaluklok ni Cristo sa Kanyang kahariang tagapamagitan. BN 47.2

Ninanasa ng Diyos na silang mga tumanggap ng Kanyang biyaya ay maging saksi sa kapangyarihan nito. Sila na ang pinagdaanang landas ay naging kasuklam-suldam sa Kanya ay malaya Niyang tinatanggap; kapag sila'y nagsisi, ibinibigay Niya sa kanila ang Kanyang Banal na Espiritu, inilalagay sila sa pinakamatataas na posisyon, at sinusugo sila sa kapulungan ng mga hindi tapat upang ipahayag ang Kanyang walang-hanggang awa. BN 47.3

Ang mga biyaya ay inihahanda ng Diyos mismo para sa bawat kaluluwang lumalapit sa Panginoon, upang tanggapin ang Kanyang agarang pagtulong. Ang Banal na Espiritu ang pinakamabisang kapangyarihan ng Diyos. BN 47.4

Ang kalakasan ng Espiritu ang siyang kailangan natin. Makagagawa ito ng higit pa para sa atin sa loob lang ng isang minuto kaysa magagawa natin sa pagsasalita. BN 47.5

Sila lang na mapagpakumbabang naglilingkod sa Diyos na nagbabantay para sa Kanyang gabay at biyaya ang binibigyan ng Espiritu. Ang kapangyarihan ng Diyos ay naghihintay para sa kanilang pangangailangan at pagtanggap. Ang ipinangakong biyayang ito ay inaangkin sa pamamagitan ng pananampalataya at nagdadala ng lahat ng iba pang mga biyaya. BN 47.6