Ang Aking Buhay Ngayon

4/275

Ibinibigay Ko ang Aking Puso, 3 Enero

Anak ko, ang puso mo sa akin ay ibigay, at magmasid ang iyong mga mata sa aking mga daan. Kawikaan 23:26 BN 7.1

Kaya nga, mga kapatid, isinasamo ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong ialay ang inyong mga katawan na isang handog na buhay, banal, na kasiya-siya sa Diyos, na siya ninyong makatuwirang paglilingkod. R om a 12:1 BN 7.2

Sinasabi ng Panginoon sa bawat isa sa inyo, “anak Ko, ibigay mo sa Akin ang iyong puso.” Nalalaman Niyang ang iyong kaluluwa ay sinira ng kasalanan, at nais Niyang sabihin sa iyong, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” Ang Dakilang Manggagamot ay may lunas sa bawat karamdaman. Nauunawaan Niya ang iyong kalagayan. Anuman ang iyong naging mga kamalian, alam Niya kung ano ang gagawin sa mga ito. Hindi mo ba ipagkakatiwala ang iyong sarili sa Kanya? BN 7.3

Ang pagpapala ng Panginoon ay mamamalagi sa bawat kaluluwang buong-pusong nagtatalaga sa Kanya. Kung hahanapin natin ang Diyos nang buong puso, masusumpungan natin siya. Masugid ang Diyos sa atin, at nais Niya tayong gumawa na nang masinsinan para sa walanghanggan: Ibinuhos niya ang buong kalangitan sa isang regalo, at walang dahilan para pagdudahan natin ang Kanyang pag-ibig. Tumingin sa Kalbaryo.... BN 7.4

Hinihiling ng Diyos na ibigay mo sa Kanya ang iyong puso. Ang iyong mga kakayahan, mga talento, mga damdamin ay dapat lahat isuko sa Kanya, upang Siya'y gumawa sa iyo maging sa pagnanais at sa paggawa para sa Kanyang mabuting kalooban, at maiakma ka para sa buhay na walang-hanggan. BN 7.5

Kapag nananahan sa puso si Cristo, ang kaluluwa ay mapupuno ng Kanyang pag-ibig, na may kagalakan ng pakikipagniig sa Kanya, na anupa't ito ay lalakip sa Kanya; at sa pagninilay-nilay sa Kanya, malilimutan ang sarili. Ang pag-ibig kay Cristo ay magiging bukal ng pagkilos. Silang nakararamdam ng umaampat na pag-ibig ng Diyos, ay hindi na nagtatanong kung gaano kaliit ang maaaring ibigay upang maabot ang mga rekisito ng Diyos; hindi nila hinihingi ang pinakamababang pamantayan, kundi nilalayon ang sakdal na pagkakaayon sa kalooban ng kanilang Tagapagligtas. Taglay ang marubdob na pagnanasa, isinusuko nila ang lahat at nagpakita ng kasabikang katumbas ng halaga ng layuning kanilang inaasam. BN 7.6

Ang ninanais ng Diyos ay ang espiritung mapagpakumbaba at madaling turuan. Ang panalangin ay nagiging mahusay kapag ito ay nagmula sa hininga n'g isang mapagmahal at masunuring puso. BN 7.7